CHAPTER 11

72 1 0
                                    

Glezha's POV

Hmmmmm.

"Xander."

"Xander."

Walang sumasagot nasa banyo ba siya? Gabi na pala, ang tagal kong nakatulog ahh.

"Xander nandiyan kaba sa banyo?"

Bukas ang banyo? Wala siya sa loob. Nasaan kaya siya. Nagugutom na ko. Magpapadala na lang ako ng pagkain dito, gutom na talaga ko. baka may binili siya. Hindi na siguro niya ko inistorbo kasi natutulog ako. Hay ang asawa ko talaga.

Tumawag ako para magpadala ng pagkain, alam ko sabay kami kakain kaya papadalhan ko na din siya.

***

Xander's POV

Bakit ba isang halik lang ni Ciara nadadala na at nawawala sa sarili? nakakalimutan ko na may asawa ako.

Tumayo ako sa pagkakahiga at nagsuot ng damit. Pinagmasdan ko si Ciara na tahimik akong pinagmamasdan sa ginagawa ko.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sakin? Bakit ginagawa mo ito?"

"Manhid ka ba? I want you back and mine alone!"

"Pero kasal na ko kahit kailan hindi na ko magiging sayo pa!"

"It's just a fucking paper! Pero ramdam ko at alam kong ako pa din ang mahal mo dahil kung hindi, walang mangyayari satin!"

Nagulat ako sa sinabi niya, mahal ko pa nga ba talaga siya? Pero mahal ko din si Glezha at siya ang asawa ko.

"Mare-realize mo din yan Xander. Ako ang mahal mo at hindi ang babaeng pinakasalan mo!"

Inayos ko na ang sarili ko at tinalikuran si Ciara. Lumabas na ko ng kwarto niya. Buti at walang tao.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Glezha at nakita ko siyang nakangudngod ang mukha sa dinning table.

"Wifey what's wrong?"

Tinaas niya ang ulo niya at nakita ko sa mukha niya ang lungkot.

"Kanina pa kita tinawagan pero cannot be reached ka. Saan kaba galing?"

"A.. ano kasi nagikot ako sa hotel."

"Kailangan kapag nagiikot naka-off ang phone?"

"Nalobat ako, pasensya kana wifey, next time I'll make sure na full charge if ever na may pupuntahan ako."

"Okay, basta next time ahh."

****

Ciara's POV

"Great job, ang ganda ng mga ito."

"Oo naman ma'am ako paba?"

"Ito na ang napagusapan natin. Basta make it sure na makakating ito sa kanya as soon as possible."

"Yes ma'am. Ako na po ang bahala doon."

"Okay thanks again."

Uumpisahan ko na Xander. Malapit kanang maging akin ulit.

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon