"What's wrong bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari bang hindi maganda sa opisina?" Tanong ko kay Xander na kanina pa hindi maganda ang mood simula ng dumating siya galing ng opisina.
"Wala naman napagod lang ako." Humiga siya sa kama kasabay ng paghila niya sa kamay ko na naging dahilan para matumba ako at bumagsak sa dibdib niya.
Ngayon ko mas naramdaman ang kakisigan ng asawa ko. Lakas makapogi points. Hehe
"Wifey kamusta ang araw mo dito sa bahay?" Tanong niya sa akin habang hinihimas ang ulo ko.
"Okay naman kahit medyo naboboring ako kasi wala kong kausap. Nanonood nalang ako ng TV maghapon. Pero syempre kumakain naman ako noh." Marunong akong magluto sa katunayan niyan mas sanay talaga akong nagluluto ng pagkain ko. Mahilig kasi ako magimbento.
"Mabuti naman. If nabobored ka tawagan mo lang ako ah. Pupuntahan agad kita."
"Oo sige pero parang ayoko din kasi nagtatrabaho ka ehh. Ayokong istorbohin ka."
"Okay lang yun mas mahalaga ka sa akin kesa sa ibang bagay. Tandaan mo yan ahh." Niyakap ko siya ng mahigpit ganoon din siya sa akin.
Nagising ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko.
Si mommy pala.
"Hello, anak sa isang araw birthday ng daddy pumunta kayo ni Xander ahh. May simpleng salo-salo tayo ahh."
Oo nga pala birthday na ni Daddy, muntik ko nang makalimutan August nga pala ang birthday niya. Kasunod noon ang birthday ng asawa ko.
"Opo mommy pupunta kami."
"Sige anak asahan namin kayo ahh. Goodnight. I love you."
"I love you too mommy."
Kailangan ko pala bumili ng regalo para kay daddy ganun din para sa asawa ko. Kailangan ko magising ng maaga bukas para mamili.
Bumalik ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mukha ng asawa ko.
"Xander." Sambit ko sa pangalan niya.
Gumalaw siya ng marahan pero hindi siya nagising. Ang gwapo ng asawa ko habang natutulog. Ngayon ko mas napagtantong maswerte ako sa kanya. Kahit na nagkaroon kami ng problema heto pa din kami at pinaninindigan ang pagiging magasawa namin. I wish it will last for a lifetime.
Niyakap ko siya at ipinikit ang mga mata ko. I really love this guy!
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...