Ang bilis ng araw.. Okay na ulit kami ni Xander pinipilit naming ibalik yung dati naming samahan. Kahit na alam kong hindi ganoon kadaling makalimot sa mga nangyari samin, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa at handa kaming harapin lahat ng problema ng magkasama bilang magasawa.
"What do you want for lunch wifey?"
Malambing na tanong niya sakin habang nakaupo kami sa sofa at nanunuod ng television."hmmmm.. Parang gusto ko ng adobong baboy mamaya o kaya sinigang na bangus." sagot ko sa kanya ng masigla.
"Ohh sige magluluto ako."
"Wala kang pasok?"
"Meron pero para sa makabawi ako sayo hindi muna ako papasok. Mas mahalaga ka sakin." kasabay noon ang paghalik niya sa pisngi ko.
"Sabay halik talaga ahh. Haha"
"Syempre ganoon kita kamahal ehh. Yung tipong gusto kong lagi kang hinahalikan oras-oras."
At kasabay noon ang paghalik niya sa akin ng madaming beses. Hinalikan niya ang buong mukha ko. Lakas manlambing ng asawa ko langya!
Hanggang sa bumababa na ang halik niya patungo sa dibdib ko and then
.
.
.
.
.
.
He stop. What the F***! Binitin ako ng walanghiya!"Mamimili muna ko ng mga gagamitin sa pafñuto ng gusto mong ulam. We can continue this later. I love you." kasabay noon ang mabilis niyang pagalis.
Malapit lang naman ang supermarket dito sa subdivision namin kaya mabilis lang siyang makakabalik.
Ilang linggo na kaming kasal pero hindi pa kami nakakapaghoneymoon. Kaya I think this is the best time for that.
Umakyat na ko sa kwarto namin para maligo at magprepare para mamaya. I want this day to be a memorable one.
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...