Maaga akong nagising at hinintay na makaalis si Xander bago ako nagpunta ng mall para mamili ng regalo para kay daddy at para na din sa asawa ko ng mapansin ko ang isang bata na umiiyak.
"Yaya!! Yaya!! Nasaan kana?!" Sigaw ng batang babae habang palinga-linga at umiiyak.
Nilapitan ko siya na naging dahilan para matakot siya.
"Bata nawawala kaba?" Tanong ko sa kanya.
"Si.. Sino ka?" Tanong niya sa akin.
"Wag ka magalala hindi ako masamang tao. Nawawala kaba?"
"Opo, nahi..walay ako sa... Sa yaya ko." Sagot niya sa akin habang humihikbi galing sa pag-iyak.
"Gusto mo tulungan kitang hanapin ang yaya mo? Pupunta tayo sa guard para mahanap ang yaya mo." Aya ko sa kanya.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.
"Wag ka magalala hindi kita sasaktan. Tutulungan kitang hanapin ang yaya mo." Muli kong pagkumbinsi sa kanya na naging dahilan para sumunod siya sa akin.
Nakarating kami sa guard at ipinialam ang nangyari sa kanya. Agad naman silang kumilos para hanapin ang kasama ng bata at ilang oras lang ang lumipas dumating na ang yaya ng bata na ikinatuwa nito.
"Ma'am maraming salamat po ahh, kung hindi ko po siya nakita at nawala siya mapapatay ako ng amo ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng katulong ng bata.
"Wala yun. Basta sa susunod bantayan mo ng mabuti ang alaga mo." Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ng biglang lumapit sa akin ang bata at hinawakan ang kamay ko.
"Maraming salamat po." Sabi niya na may halong malambing na ngiti na nagbigay sa akin ng saya.
"Wala yun. Basta next time wag ka hihiwalay sa yaya mo ahh." Nagpaalam na ako sa kanila at nagsimula ng maghanap ng bibilhing regalo para kay daddy at kay Xander.
Magaan ang loob ko sa batang iyon. Hindi ko alam pero parang nagkita na kami dati pa. Hay ano ba Glezha yung mga iniisip mo, nagiisip ka nanaman ng kung anu-ano.
Maaga ako nakauwi matapos ko mabili at mapabalutan ang mga regalo ko para kay daddy at Xander. Tinago ko iyon sa ilalim ng kama namin ni Xander.
Nagsimula na din akong magluto ng ulam. Afritada ang ulam namin for dinner ni Xander. Saktong matapos akong maluto agad na tumunog ang doorbell na senyales na andyan na ang asawa ko nagmadali akong buksan ang pintuan at agad na hinalikan si Xander.
"Masaya ka ata ngayon wifey?"
"Hindi naman masyado. Hehe Tara kain na tayo baka lumamig pa ang pagkain."
Binanggit ko kay Xander na birthday ni Daddy bukas. Agad naman siyang umoo na pupunta kami at susunduin niya ako. Para sabay kaming pumunta.
Matapos kaming kumain agad kaming umakyat sa kwarto at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...