Xyrille's POV
Hay, grabe kanina pa tahimik itong kasama ko, nababaliw na ata at wala pa ang asawa niya anong petsa na.
"Glez, hindi kapa ba magpapahinga? Gabi na baka bukas pa makauwi si Xander."
Nakatingin pa din siya sa cellphone niya at parang walang narinig.
Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.
Sh*t, bakit ganito parang nakukuryente ako kapag hinahawakan ko siya, sa tagal ko din hindi siya nahawakan para ngayon first time ulit. Ganito pa din ang effect niya sakin. Sana kasi ako nalang Glezha hindi ka sana nagkakaganyan.
Naramdaman kong humihikbi siya, kaya agad akong umupo sa may bandang harapan niya para silipin if umiiyak ba siya at hindi nga ako nagkamali umiiyak ang babaeng mahal ko.
"Glez tahan na. Uuwi din si Xander baka natagalan lang yung meeting nila."
Bigla niya kong niyakap na ikinagulat ko.
My Ghad Glezha. Wag ka namang ganyan baka hindi ako makapagpigil at maisipan kong agawin ka kay Xander. Nagparaya na nga ako diba? Wala namang ganituhan.
Niyakap ko din siya pabalik. Kasi gusto ko siyang yakapin este damayan pala. Haha
Nababaliw na ata ako para kasing nagte-take advantage ako sa sitwasyon pero diba anong masama magkaibigan kami at mas una ko siyang nakilala kesa kay Xander.
"Glez tahan na.ahh"
Patuloy pa din siya sa pagiyak at hindi nagsasalita.
Ciara's POV
Hinawi ako ang buhok ni Xander na nakakatakip sa gwapo niyang mukha.
"Xander what can you say? Ang galing ko diba? Naangkin nanaman kita. Sa akin ka kasi eh."
Gumalaw siya at kasabay nito ang pagdilat ng mata niya.
"Anong oras na?"
He ask me. Na parang walang nangyari.
Tinignan ko ang orasan at nakita kong 12 pm na pala. Ayos sa daming round na ginawa namin hindi na kami nakapagdinner. Haha
"12pm ng gabi."
Napabalikwas siya sa pagkakahiga ng marinig niya ang sagot ko. Agad siyang tumayo sa kama at nagbihis ng nagmamadali.
"Xander bakit kaba nagmamadali?"
"Tinatanong paba yan Ciara. I have a wife and she is waiting for me."
"Ohh come on Xander. Wife? Hahaha do you think tatawagin kapa niyang husband if malaman niyang you make love with me everytime na wala ka sa tabi niya? I told you babalik ka sakin."
"Okay, you win this time. Pero sa susunod wala nangangyayari satin."
"Oops. Wag kang magsalita ng tapos. Alam mo ang kaya kong gawin Xander."
Umalis na siya at iniwan akong nagiisa.
"I think magkakagulo na sila sa mga ito."
Hinawakan ko ang hidden camera na nagrecord ng mga nangyari samin sa buong araw. Yeah buong araw, Sex addict kaming dalawa since nung kami pa. We do it until magsawa kami sa isang araw.
"Sorry ka nalang Glezha kasi sa akin si Xander."
****
Sorry sa mabagal na update ini-edit ko pa po kasi yung mga nasa draft.
Medyo maigsi po ang mga update dahil sa mga eksenang inuusog ko. Salamat sa suporta at pagbabasa niyo.
Sana po makapag comment kayo.
-Author
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romantik"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...