CHAPTER 25

40 0 0
                                    

"Oh mga pare sisimulan na natin ang trabaho natin. Kailangan malinis at walang sabit. Malaking pera ito."

"Yes boss kami paba?"

Glezha's POV

"Mga anak dito na kayo matulog ngayong gabi. Huwag na muna kayong umuwi para may kasama kami ng daddy niyo."

"Ah mommy kasi..."

"Yes mommy! Dito kami matutulog ngayon."

"Xander?!!"

"Glezha don't be mad. Pagbigyan natin ang Parents mo. Birthday ng daddy mo ngayon remember?"

"Okay." Birthday niya bukas. Paano naman ako makakapaghanda kung dito kami matutulog. Tss.

"Oh anak bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?"

"Wala po mommy. Hehehe"

Haist! Anong gagawin ko? Paano na ito? Nasa bahay yung gift ko para sa kanya e. Ano ba naman yan!!!

"Glezha matulog na tayo."

"Okay."

"Whats wrong? Ayaw mo ba na nandito tayo?"

"Hindi naman sa ganoon hubby. Kasi ano e.. Yung ano kasi... Ay!!! Ewan! Matulog na nga lang tayo."

"Huwag ka magalala maaga naman tayong uuwi bukas para hindi ka magkaganyan."

Nahiga na kami. Mabilis nakatulog si Xander samantalang ako pasado alas dose na ng gabi gising pa din.

What to do? Paano ko siya isu-surprise?

Tumayo ako sa higaan at agad na nagtungo sa kusina.

Kumuha ako ng inumin at uminom muna ng tubig para makalma ako ng biglang
.
.
.
.
.
Bang!

Teka tunog ba ng baril yun? Agad kong tinungo ang binta na nasa may bandang sala ng bahay at nakita ko ang mga nakaitim na lalaking nakikipagbarilan sa mga gwardiya namin.

Pumasok ang ibang gwardiya namin sa loob ng bahay.

"Ma'am kailangan niyo pong umalis. May mga nakapasok po sa mansion. Sa likod ng bahay na po kayo dumaan. Haharangan namin sila."

"Sige salamat magiingat kayo!"

Tumakbo ako patungo sa kwarto nila mommy.

"Mommy, Daddy wake up!! May mga taong nakapasok sa bahay! Kailangan nating umalis!!"

"Ano?!! Paanong..."

"Dad we need to leave!!"

Nagmadaling nagasikaso sila mommy at daddy habang ako tinungo ko si Xander.

"Xander! Gumising ka kailangan nating umalis may mga taong nanloob sa bahay!"

"What the.."

Sunod-sunod ang putukan ng mga baril sa labas ng bahay. Agad naming tinungo ang likurang bahay kung saan may ibang body guard na gumagabay samin.

"Dalian na natin!"

"Mauna na kayo Glezha. Xander ikaw na muna bahala s anak namin. Susunod kami. Sa kabilang kotse kami."

"But dad?! Kailangan sama-sama tayong lahat! "

"Glezha susunod kami. Doon kami sa kabilang kotse."

"Dad no!! Ayoko!"

"Glezha!!! Xander sige na mauna na kayo. Susunod kami."

Pagalit at ma-awtoridad na sigaw ni daddy.

"Dad, mom please sumunod kayo a. Magiingat kayo."

Kasunod ng pagtango nila ay ang pagalis namin ni Xander. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

Sinundan kami ng isang van na may lamang mga bodyguard namin.

"Don't worry susunod sila Glezha."

Dad, mom please be safe.

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko sa pagaalala kay mommy at daddy.

Nakarating kami sa isang safe house na hindi namin madalas puntahan. Sa natatandaan ko isang beses lang ako nakapunta dito.

Agad akong bumaba sa kotse at sinilip kung nakasunod sila daddy at mommy.

Pero ilang minuto ang lumipas wala pa din sila.

Kumabog ang dibdib ko na parang may nangyaring hindi maganda. Agad kong tinungo ang head ng mga bodyguard ni daddy.

"Excuse me, pwede ko bang tanungin kung bakit hanggang ngayon wala pa din sila daddy? Kamusta sila? Okay lang ba sila?!"

"Ma'am I'm sorry po pero kanina ko pa silang tinatry na tawagan pero walang sumasagot."

"Ano?!!! Anong sabi mo?!! Tawagan mo sila!!!!!" kasabay ng pagsigaw ko ang muling pagtula ng luha ko.

"Glezha calm down."

"Paano ako kakalma kung hanggang ngayon wala pa ang mga magulang ko?!! Hanggang ngayon wala pa kong balita if okay ba sila?! Xander hindi ko kakayanin kapag nawala sila sakin. Hindi ko kakayanin."

Ciara's POV

"Hello, kamusta naman ang pinagagawa ko sa inyu?"

"Ma'am nagawa na po namin ang unang plano."

"Mabuti, ipapadala ko nalang sa account mo ang paunang bayad."

Paano ba yan Glezha? For this round I've won. Hahaha umpisa palang yan.

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon