Chapter 16

60 3 0
                                    

"Goodmorning ma'am!" bati sakin ng mga staff sa office ni Xander.

Nakarating ako sa opisina niya na puno ng kaba. Oo kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami ngayon.

"Madam, si Sir Xander po ba ang hanap niyo?" tanong sakin ng secretary niya na mula sa kung saan at wala sa pwesto niya.

"O..Oo nandiyan ba siya?" nauutal kong sagot.

"Opo ma'am, pasok na po kayo." agad niyang binuksan ang pintuan at tumambad sakin si Xander na nakahawak sa sintido niya at halatang hindi maganda ang mood niya.

"Diba ang sabi ko walang papa..sok! Wifey?" Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sakin na parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ko.

Ganito ba ang naidulot ng saglit kong paglayo sa kanya? Parang nangangayayat siya, para siyang pinabayaan. Mas nakaramdam ako ng guilt sa puso ko sa biglang pagyakap niya sakin ng mahigpit ng mapatunayan niyang totoong nasa harapan niya ako.

"Ikaw nga! Alam mo ba miss na miss na kita." Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

Ako din namiss kita Xander, sobrang miss kita. Sinuklian ko ang yakap niya ng isang mahigpit din na yakap.

"Wag mo na ulit akong iiwan Glezha. Hindi ko kaya, mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko." Ramdam ko sa bawat salita at yakap niya ang sinseridad niya na hindi niya kaya ng wala ako. Pero biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari samin kaya agad ko siyang naitulak palayo sakin na kanyang ikinagulat.

"Nandito ako para kausapin ka."

"Alam ko, nagkamali ako pero maniwala ka wala kaming relasyon ni Ciara, at yung nangyari samin.. natukso lang ako. Pero sa kabila noon pinagsisisihan ko na ginawa ko yun at nagpatukso ako sa kanya."

"Umamin ka sakin Xander, kailan niyo pa ko niloloko ni Ciara?" agad kong tanong sa kanya pagkatapos niya magpaliwanag.

Nakita ko ang pagiwas niya ng tingin na alam kong nagpapakita na hindi lang ito nangyari ngayon. Agad akong tumalikod upang punasan ang luha ko para hindi niya makita.

Bumaling muli ako ng tingin sa kanya at pinilit na ngumiti. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Naguumpisa palang tayo, sana hindi na maulit pa ito."

Naramdaman ko ang pag-ganti niya ng yakap sakin.

Alam ko mukha na akong tanga dahil sa ginawa ko, pero masisisi niyo ba ko kung sobrang mahal ko siya at kaya ko itong gawin para sa pagsasama namin. Alam kong naguumpisa palang ang relasyon namin bilang magasawa, kung ngayon palang susuko na ko, baka pagsisihan ko pa sa huli yun. Atleast kung dumating man ang time na mapagod na ko sa kanya masasabi kong hindi ako nagkulang.

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon