Chapter 17

62 2 2
                                    

Ciara's POV

"I'm so glad at nagawa mong trabaho mo ng maayos. Heto na ang bayad ko sayo." inabot ko sa kanya ang sobreng may lamang pera.

"Sabi ko naman sa inyu ma'am malinis akong magtrabaho. Paano po ba yan tawagan niyo nalang ako ulit kapag kailanganin niyo ulit ng tulong." kasabay noon ang mabilis na pagpapaandar niya sa motor na dala niya.

Tanga ba siya? Sa mga nagawa niya imposibleng hindi ko pa makuha ang gusto ko.

Agad akong sumakay sa kotse ko at nagmadaling magtungo sa opisina ni Xander. Alam ko nandun siya ngayon. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko ng mapansin kong may isang magarang sasakyan ang kanina pang sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo pero nagawa niya akong unahan at harangin.

May bumabang isang makisig na lalaki. Lumapit siya sa kotse ko at agad na kinatok ang bintana sa driver's seat kung saan ako nakapwesto. Binaba ko ang salamin ng bintana.

"What do you want?!" Sabi ko sa kanya ng pasigaw.

"Lumabas ka diyan." Kalmadong utos niya sakin.

"What if I don't wa... What are you doing?! How dare you!!"

Hindi ko alam pero mabilis niyang nabuksan ang kotse ko at kinaladkad ako palabas. Ang katangahan ko lng hindi ako nakapagseatbelt kaya mabilis niya akong nahila palabas ng kotse.

Agad kong kinalas ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"What do you want from me?!" sigaw ko sa kanya.

"I want you to leave Xander and Glezha alone!" Sigaw niya sakin.

"Sino ka para utusan ako?"

"Just do it! O baka gusto mong mawala ng maaga sa mundo?"

"Huh.. Akala mo ba masisindak mo ko sa ganyan mo? Kahit sino kapa hindi kita aatrasan."

Tumalikod ako sa kanya at akmang hahakbang na nang makaramdaman ko ang isang matigas na bagay sa ulo ko.

"Ipuputok ko ito sa ulo mo o susunod ka sa gusto ko?"

Naramdaman ko ang biglang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Ngayon ko lang naranasan na matakot ng ganito.

"Sino kaba? Bakit ka nangingialam sa mga ginagawa ko?"

"Ako ang bangungot na hindi mo malilimutan kapag hindi mo nagawa ang pinapagawa ko sayo. I know who you are Ciara."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Ngayon lang kita nakita."

"kagaya nga ng sinabi ko sayo, ako ang bangungot mo. Sumunod kana lang kung gusto mo pang humaba ang buhay mo."

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon