Chapter 8

85 2 0
                                    

Ciara's POV

Kung iniisip niyo na masama ako. Okay lang. Hindi ko naman kasalanan na ako una sa lahat sa buhay ni Xander, ang hindi ko lang nagawang maging una ay ang maging asawa niya.

Kung itatanong niyo kung bitter ako. Oo sobra akong bitter na bakit si Glezha ang naunang maging asawa ni Xander. I want him to become my husband pero naunahan ako ni Glezha. Kaya gagawin ko ang lahat mapunta lang siya sakin at maging akin siya muli.

Xander's POV

Nagising ako sa liwanag ng araw na naumula sa bintana ng kwarto.

"Wifey, anong oras na?"

Nangmedyo matauhan na ko. Nilibot ko ang mata ko sa kwarto para hanapin si Glezha pero hindi naman ito ang kwarto naming magasawa.

Bumakas ang pinto at niluwa nito si Ciara?

"Anong?...." sabi ko at pinilit kong alalahanin ang nangyari.

*flashback*

"Youre beautiful Glezha."

Napakaganda at sexy talaga ng asawa ko, masasabi kong swerte ako sa kanya kasi ako ang unang makakagawa sa kanya nito. Bihira nalang ang mga virgin na babaeng virgin ngayon.

Criiiing.... Criiiing.. Criiiiiiing...

Sino bang istorbo ito? Sinilip ko kung sinong tunatawag. Tsk ang flirt ko palang ex. Tumayo ako para sagutin ang tawag niya.

Excuse me wifey..

"Sino naman ang iistorbo samin ng disoras ng gabi?" rinig kong bulong ng misis ko.

I answered my phone.

"Hello."

[Xander I need you! Please come here! May tao ata sa loob ng condo ko. Natatakot ako.]

Narinig kong takot na takot si Ciara pero hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko.

"Ciara its my honeymoon kaya I'm not sure kung matutulungan kita but don't worry tatawagan ko si Xyrille to help you."

[ No we don't have time baka saktan ako nito. Please come here.]

Takot na takot siya.

"Okay, I'm coming just wait for me."

I ended the phone call.

Bumalik ako sa tabi niya..

"Wife okay lang ba kung lumabas ako saglit?"

"Where are you going? Sino ba yung tumawag?"

"Friend of mine at kailangan ng tulong."

She's seem irritated. Hindi ko gustong ganito siya.

"Pero bakit ngayon pa? Pwede namang bukas diba? Honeymoon natin remember?"

Tumingin siya sa mata ko.

"Okay basta make it fast."

"Thanks wifey. I love you so much." I've kissed her forehead.

Saglit lang naman 'to. Agad akong nagtungo sa condo ni Ciara. Bukas ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa gilid at nakayuko.

"Ciara are you okay?"

Tumango siya at nakita kong puno ng luha ang mukha niya. Agad siyang tumayo para yakapin ako.

"I was so scared. Thanks for coming Xander."

"Shh. Stop crying your safe now."

She hug me tight.

Nang kumalma na siya inaya niya kong kumain.

"Ciara I need to go hinihintay na ko ng asawa ko."

"Samahan moh muna ko."

"Ciara your safe now at kaya moh na ang sarili moh. I really need to go. Sorry"

" Wait. Just have some drink first then you may leave."

"Okay." ininom ko ang binigay na wine ni Ciara. Pagkatapos ko ubusin agad kong ibinalik sa kanya ang baso at nagmadaling lumabas ng condo pero bago ko pa mahawakan ang doorknob nakaramdaman ako ng pakahilo dahilan para tumumba ako at nadilim na ang paningin ko.

Nagpanic ako. Kilala ko si Glezha. Hindi niya papalampasin ito. Kapag special occassion at nawala ako daig pa niya ang NBI kung manghuli.

"Gising kana pala. Lets eat breakfast?"

Tatayo na sana ako ng maramdaman kong wala akong suot. Te-teka anong nangyari?

"Don't think to much. Ginawa lang naman natin yung ginagawa natin everytime na magkasama tayo."

"Ciara pinlano mo ba ang lahat ng ito?"

She just snob what I've said. Binaba niya sa table ang isang platong may lamang pagkain at isang basong may lamang kape. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Xander."

Tawag niya sa pangalan habang nakayuko siya. Alam kong may gusto siyang sabihin at kinakabahan ako dahil dun.

"Ano yun Ciara?"

Tanong ko sa kanya. Nanahimik lang siya at ako naman ay nagasikaso na muna ng damit. Kailan ko na balikan ang asawa ko. Ayokong magaway kami. Pero mas ayokong magsinungaling kapag nagtanong siya.

Natapos na kong magbihis at nilingon ko si Ciara na hanggang ngayon ay tahimik pa din at nakayuko.

"Kung wala kanang sasabihin mauuna na ko Ciara at ito lang ang masasabi ko sayo huli na 'to."

Naglakad na ko patungo ng pinto ng tinawag niya ko muli. Hinintay ko siyang magsalita.

"I'm.."

Hindi ko na mahintay ang sasabihin niya kaya binuksan ko na ang pinto nang magsalita siyang muli.

" I'm pregnant."

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon