Xander's POV
"Goodmorning Sir!"
Bati sa akin ng secretary ko bago ako tuluyang pumasok ng office.
"Goodmorning too!" sagot ko ng masaya sa kanya.
Hay I wish ganito lagi ang mood ko. Inumpisahan ko ng ayusin ang mga papeles sa lamesa ko ng biglang
.
.
.
.
.
.
.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan sa screen.It's Ciara. Hindi ko sinagot ang cellphone ng ilang beses hanggang sa marindi na ko at tuluyan ko ng pinatay ang cellphone.
Masaya ko sa buhay ko kaya ayoko na ng kumplikasyon.
Then biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa ang babaeng hindi ko na nais na makita pa.
"What do you want?!" Bungad ko sa kanya.
"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko! What's your problem?"
"My problem? Ikaw ang problema ko! Kaya please leave me alone!"
Lumapit siya sa akin na may galit sa mga mata.
"Ohh really?"
"Come on Ciara! From the start alam mong kasal akong tao at sinira mo ang samahan naming magasawa! Kaya please tumigil kana! Ngayon inaayos na namin ang lahat kaya lubayan mo na ako!"
"Yah! I know kasal ka pero nakalimutan mo naba? Gusto mo din ang ginagawa natin dahil kung hindi, hindi naman mauulit ng ilang beses yun." Mas lumapit pa siya sa akin at biglang umupo sa lap ko.
Unti-unti niyang tinatanggal ang butones ng polo ko kaya agad akong napatayo at naging dahilan yun para mahulog siya.
"What the heck!" Sigaw niya habang hawak ang pwetan niya na tumama sa sahig.
"I'm sorry, I really want to end this. Ayoko na. Mahal ko si Glezha."
"How about me? How about us? Ganoon ganoon nalang yun? Ahh Xander?" Kahit nahihirapan na siya sa pagtayo pinilit pa din niya at lumapit sa akin, hinawakan niya ang kwelyo ko at hinila palapit sa kanya kasabay ng paghalik niya sa akin.
"I said stop!" sigaw ko sa kanya at kasabay noon ang pagtulak ko ng malakas sa kanya.
"Xander binigay ko lahat sayo kaya hindi mo pwedeng gawin sa akin ito!"
"Aalis ka ng kusa o ipapakaladkad kita sa security? Mamili ka!"
Inayos niya ang sarili niya at akmang bubuksan na ang pintuan ng bigla siyang magsalita.
"Hindi pa tayo tapos!" kasabay noon ang tuluyan niyang pagalis.
Bumalik ako sa pagkakaupo at inayod ang damit ko.
Kasalanan ko ito kung hindi ako nagpatukso sa kanya noon wala akong problema ngayon. Tahimik sana ang buhay naming magasawa.
Ciara's POV
maghintay ka lang Xander. Babalik ka sa akin ng nagmamakaawa at lumuluhod.
Meron pa akong alas para bumalik ka sa akin at iwan ang asawa mo.
Hindi tayo pwedeng matapos ng ganito lang. Marami kang hindi alam at darating ang panahon malalaman mo din at sisiguraduhin kong ikaw mismo ang lalapit sa akin.
Magpakasaya ka ngayon kasama ang babaeng sinasabi mong mahal mo.
"Mommy saan ka galing?"
"Pinuntahan ko ang daddy mo anak."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"How's daddy? Kailan siya babalik mommy? I miss him so much." kasabay noon ang pagiyak niya at pagyakap niya ng mahigpit sa akin.
"Don't worry baby, daddy will be back soon. He miss you too. Wag kana umiyak ahh."
"Yes mommy." nakita ko ang sigla sa mukha niya ng sabihin kong babalik na ang daddy niya.
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...