"What is this?! Kailan pa? Kailan niyo pa ko niloloko?! Kailan pa?!"
"Hindi totoo yan. Saan mo ba nakuha ang mga bagay na yan?!"
"Sagutin mo ko! Kailan kapa nagkaroon ng relasyon kay Ciara?! Xander since naging tayo, naging loyal ako sayo! "
Lumapit siya sakin at agad na kinuha ang envelop na hawak ko.
Sinilip niya ang laman ng envelop at nakita ko sa mukha niya ang sobrang pagkabigla.
"Hi..hindi totoo ang mga ito."
"Hindi totoo? Sigurado ka?" pamimilit ko sa kanya.
"Nasa harapan mo na ang ebidensya o gusto mo pa ng isang mas malalang ebidensya?"
Muli siyang nabigla sa sinabi ko.
"Nagulat ka na meron pa?"
"Anong sinasabi mo? Saan mo ba nakuha ang mga bagay na ito?" tanong niya sakin.
*flashback*
Minulat ko ang mga mata ko.
Nabigla ako ng makitang katabi ko na si Xander at wala na si Xyrille na alam kong hindi ako iniwan hanggang sa makatulog ako at dumating si Xander.
Hinayaan ko munang matulog si Xander at agad kong tinignan kung anong oras na.
11:25am na pala. Bumangon ako at tumawag para magpahanda ng agahan. Mabilis na dumating ang crew na may dalang pagkain. Naghain na ko sa lamesa at napansin kong may nakaipit na envelop sa soup.
Kinuha ko iyon at tinignan. Pero laking gulat ko ng makita ang litrato ni Xander kasama si Ciara sa isang hotel room na parang katulad ng hotel room namin.
Sa pagkabigla ko nahulog ang isang disc na nakabalot ng plastic. Agad kong kinuha yun at isinalang sa dvd.
Kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ko.
"Bakit? Paano? Kailan pa? Saan?"
Yan ang mga tanong na nabanggit ko habang pinapanood ang pakikipagtalik ng asawa ko kay Ciara.
Hindi ko na tinapos ang laman ng video. Patuloy sa pagtulo ang luha ko ng marinig ko si Xander na bumangon mula sa pagkakahiga.
*End of Flashback*
"Magsabi ka sakin ng totoo Xander. Kailan pa kayo may relasyon ni Ciara?!"
"Sinabi ko na sayo wala kaming relasyon."
Pinindot ko ang remote ng television, kasabay nito ang pagbaling ng tingin niya sa video na naging dahilan ng mas pagkabigla niya.
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Roman d'amour"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...