CHAPTER 28

31 1 0
                                    

Glezha's POV

"Goodmorning hubby!"

Bati ko sa napakagwapo kong asawa.

"Goodmorning too my wife!" kapag ganito siya sa akin parang nakakalimutan ko lahat ng pinagdadaanan ko.

Umupo ako sa kama at tinabihan si Xander na parang malalim ang iniisip.

"Hubby what's wrong?"

"Tumawag yung private investigator natin. Ang sabi nila walang bakas ng mga magulang mo sa crime scene. They think na dinukot sila ng mga nanloob sa bahay."

"Pero bakit until now wala paring tumatawag satin for ransom? It's been a week."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Niyakap niya ako.

"Don't worry gagawin ko ang lahat para mailigtas sila at para makasama mo na sila ulit."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mom and dad please be safe. Magkakasama din tayo ulit. Basta wag niyo kong iiwan. Ipagdarasal ko na sana nasa maayos kayong kalagayan.

Someone's POV

Kung hindi ko lang kailangan ng pera ngayon, hindi ko gagawin ang kabaliwang ito. Tss

"Boss, ano gagawin natin sa dalawang matanda? Tumawag na ba si big boss?"

"Wala tayong gagawin, babantayan lang natin sila hanggang sa tumawag si big boss. O Paano, kayo na muna bahala diyan? May lakad pa ko e."

"No problem boss! "

Sabay-sabay nilang sagot.

"Kuya!"

"Oh Halie! Anong ginagawa mo dito?"

"Namiss kita e. Kaya dinalaw kita! Masama ba?"

"Hindi naman, may pasok pa ko sa skul kaya hindi kita maasikaso ngayon, bumalik kana lang sa ibang araw."

"But kuya! Gusto kitang makasama ngayon! Wala sila mom and Dad. Ako lang nasa bahay!"

Ang kulit talaga ng batang ito. Hay naku.

"May pasok ngayon a. Bakit hindi kana lang pumasok?"

"Papasok ako! In one condition! Sabay tayong papasok kagaya ng dati."

Ano pa nga bang magagawa ko? Nagpa-cute na ang batang ito.

Mrs. Cun's POV

"Mahal ilang araw naba tayong sa lugar na'to? Bakit hanggang ngayon wala pa ding kumukuha satin? Hindi din naman tayo pinapahirapan dito."

"Hindi ko din alam mahal. Hindi pa nga din nagpapakita satin yung taong kumuha at nagdala satin dito e. Isa lang ang iniisip ko ngayon, maaaring kilala natin o malapit sa pamilya natin ang gumawa nito."

"Paano mo naman nasabing kilala natin o malapit satin ang gumawa nito?"

Tumayo ang asawa ko sa kinauupuan niya at sumilip sa bintana.

"Ang malapit na tao lang naman satin ang may kakayahang gawin ito."

"Kayang gawin ang ano?"

Humarap siya sa akin

"Ang dukutin tayo at hindi saktan."

Napaisip ako. Malamang tama nga siya pero maaaring mali din siya.

"Iniisip ko lang ngayon baka nagaalala na ang anak natin."

Lumapit siya at lumuhod sa harapan ko kasabay ng paghawak niya sa dalawang kamay ko.

"Huwag kang magalala matapang at matatag ang anak natin. Sisiguraduhin ko ding magkakasama tayo muli."

Yumakap ako sa kanya kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan kami naroroon.

"Kamusta po kayo?"

"Ikaw?! Ikaw ang may kagagawan nito?! Paano mo nagawa samin ito?! Anong kasalanan namin sayo?!"

Sigaw ng asawa ko sa taong may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ko akalain na magagawa niya ito samin. Pagkatapos ng lahat.

"Simple lang po ang dahilan." sagot ng taong nasa harapan namin.

Xyrille's POV

Saan kaya ako pupunta? Kanina pa ko paikot ikot sa kung saan saan dito sa Quezon City e. Kabisado ko na nga ata lahat ng daan dito e.

Makatambay na nga muna sa Mall baka sakaling may mapala.

Nagpark na ako ng kotse ng mapansin ko yung itsura ng katabi kong kotse.

"I think alam ko kung kaninong kotse ito."

Sinuri kong mabuti at tama nga ako, sa kanya ang kotseng ito. Pero ano namang ginagawa niya dito? Nakakapagtaka a. Sa ganitong panahon nagawa niya pang magmall?

Ciara's POV

"Yaya Ceny how's Xia? Kumain naba siya?"

"E ma'am ayaw pa din po e. Wala pong gana, ayaw naman po sabihin kung bakit e."

"Okay ako na bahala."

Pumasok ako sa kwarto ng anak ko at nakita ko siya nakadungaw sa bintana at malayo ang tingin.

"Baby what's wrong?"

Pero para akong nagsalita sa hangin.

"Xia, mommy is here. Tell me what's wrong? Bakit ayaw mong kumain?"

Humarap siya sa akin at napansin kong namamaga ang mata niya na parang umiyak siya ng umiyak. Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya.

"Baby bakit ganyan ang mga mata mo? Umiyak kaba?"

"Mommy, kasi po.." and then bigla siyang himagulgol ng iyak

"Baby bakit? Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? May umaway ba sayo sa school mo?"

"Mommy, I really miss daddy. Kailan ba siya uuwi?"

Hindi ko kayang ganito pa din ang sitwasyon. Gusto ko na siyang makasama. I want him back.

Tumayo ako at agad na umalis. I send a text to him.

Kailangan niya nang malaman ang totoo. Nahihirapan na kami ni Xia.

Ang mas masama pa. Ang anak namin ang mas nahihirapan sa mga nangyayari.

I need him and Xia needs a father.

**

Thanks for reading. Slow update po ito. Pero pipilitin kong every week makapagupdate. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon