"Anak, kumain ka naman, ilang araw kanang hindi kumakain." Nilapit ni mommy sakin ang isang tray na may lamang pagkain.
"Mommy wala kong gana e. Hindi ako nagugutom."
Ilang araw na kong nasa bahay namin. Ilang araw ko na ding hindi sinasagot ang mga text at tawag ni Xander. Ilang araw na rin ang lumipas nung malaman ko ang mga bagay na iyon.
Wala kong tinatanggap na bisita, hindi ako kumakain, ni ayaw kong makipagusap sa kanila. Alam kong nagaalala sila mommy at daddy sakin dahil simula ng umuwi ako hindi sila umaalis sa bahay kahit saglit, lagi nila kong tinitignan at kinakamusta.
"Tawagin mo lang kami o ang mga maid kapag nagutom ka anak ah. Para maipaghanda ka ng kakainin mo."
Lumabas na si mommy ng kwarto ko at ako heto nakahiga lng sa kama ko. Lagi akong nagkukulong at nagmumukmok. Gusto ko muna kasing mapagisa. Hindi madaling tanggapin ang lahat. Ang bigat sa dibdib.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad kong tinignan kung sino. Si Xyrille.
Sinagot ko ang tawag niya.
"Glez, gusto mo ng kausap?" batid ko sa pananalita niya na nagaalala siya. Pero kailangan ko nga ng kaibigan ngayon at dahil siya ang pinakamalapit sakin, masasabi kong kaibigan ko siya.
"Sige, puntahan mo ko dito sa bahay."
Binababa ko na ang tawag pagkatapos kong sabihin yun. Agad namang kumatok ang maid namin.
"ma'am nandito po si sir Xyrille."
Nagulat ako sa bilis niyang makarating. Ano siya lumipad?
"Sige papasukin mo siya."
Pumasok si Xyrille na bakas sa mukha ang labis na pagaalala.
"Ang bilis ko no?" Pabiro niyang sabi.
"Sus, kunyari kapa nasa bababa kana nung tumawag ka e."
Sagot ko sa kanya.
"Paano mo nalaman?" Sabi niya na parang nagtataka.
"Tss, may super powers ako, remember?"
"Yan ngumiti ka kahit kunti." sabi niya sabay ng pagupo niya sa sofa ng kwarto ko.
"Glez, alam ko na ang nangyari, nabanggit sakin ni Auntie. Pero dapat kumakain ka pa din. Okay lang na magemote ka pero wag mo pabayaan ang sarili mo." panenermon niya sakin.
"Alam mo daig mo pa si daddy kung manermon sakin."
"Haha I know, kaya nga ako agad tinawagan nila kasi ganito ko sayo." sagot niya na may pagyayabang.
"Hay nagyabang ka nanaman."
"Tell me Glez, sino ang babae ni Xander?"
Biglang umurong ang dila ko ng marinig ko ang pangalan ni Xander at maalala ang mga nangyari at nalaman ko.
"Can we just forget that? Ayokong pagusapan."
"Sus kaya nga ko nandito bilang kaibigan mo kaya pwede wag kana maginarte diyan!" Sagot niya na may point naman.
Kaya ko nga siya pinapunta para may mapaglabasan ako ng sama ng loob pero parang hindi ko pa din kayang ilabas lahat ng nasa dibdib ko.
"Glez.." lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Glez kaibigan mo ko. Kaya pwede mo ko pagkatiwalaan ng mga nararamdaman mo."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Xyrille na alam kong kinabigla niya.
"Xy, panget ba ko? Masama ba ugali ko? Ano bang mali sakin para magawa sakin ni Xander yun?.. Minahal ko siya.. Lahat ng pagmamahal binigay ko sa kanya.. Pero.. Pero bakit ganito."
"Hindi, walang mali sayo, wala sayo ang problema. Si Xander ang nagkamali hindi ikaw, tahan na Glez, ayoko ng ganyan k eh."
hinimas-himas ni Xyrille ang likod ko na naging dahilan para kumalma at tumigil ako sa pag-iyak. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya ng makabawi ako.
"Anong dapat kong gawin? Nahihirapan akong isipin na maghihiwalay kami ni Xander, mahal na mahal ko siya."
"Alam ko namang mahal mo siya, kaya ang masa-suggest ko sayong gawin mo magusap kayo ulit. Pagusapan niyo ulit ang bagay na yan."
"Paano ko siya haharapin kung sa tuwing makikita ko siya maiisip ko ang pagtataksil niya sakin at yung ginawa. Mas nasasaktan ako."
"Hindi mawawala ang sakit na yan hangga't hindi niyo tinatapos ang usapan patungkol diyan. Kaya Glez magusap kayo ni Xander, ayusin niyo ang problema niyo hindi yung ganito. Wag niyong takasan ang problema niyo, kung talagang naiintindihan niyo ang salitang magasawa gawin niyo ang dapat at makakabuti sa pagsasama niyo."
Tumayo siya at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko, hindi nagtagal lumabas na siya at wala ng sinabi. Iniwan niya kong nagiisip sa kung ano ang tamang gawin.
Tama siya kailangan kong harapin ito. Kailangan namin ayusin itong magasawa. Hindi namin dapat sukuan ang isa't isa dapat naming ayusin ang problemang ito. Dahil ito palang ang simula ng mga problema namin.
Tumayo ako at agad inayos ang gamit ko at ang sarili ko. Pupuntahan ko si Xander,
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...