Nakakabwisit ilang araw ko nang hindi nakakausap at nakikita si Xander. Namimiss ko na siya, miss ko na din makipagtalik sa kanya.
Kung hindi lang ako pinagbantaan nung bwisit na lalaki nung nakaraang araw, edi sana masaya kong kasama si Xander ngayon.
Bigla kong narinig ang pagtunog ng phone ko. Sinilip ko kung sinong istorbo ang tumatawag sakin.
Sinagot ko ang tawag ng makita ko na yung private investigator ko ang tumatawag.
"Hello, anong balita?"
"Ma'am hindi ko pa po malaman kung sino ang lalaki na yun. Masyado pong maimpluwensya ang tao na yun. Yung plate number po ng kotse na binigay niyo sakin hindi po natin masi-search ang may-ari. Kahit ang mga contacts ko sa LTO hindi masabi if kanino yun. Masyado daw mataas ang tao na yun at maimpluwensya."
"So this is it?! Gumawa ka ng paraan! Gusto ko malaman kung sino ang lalaki na yun!!"
Sigaw ko sa kanya.
Bwisit ang tanga naman!
Someone's POV
"So nagawa ko ba ng maayos?"
Tanong ko sa kaibigan kong nakaupo sa sofa ng condo ko.
"Yeah dude! Hahaha lahat talaga gagawin mo no? Mapansin ka lang ng babaeng mahal mo!"
"Yeah I will do everything para lang makita niya naman ako."
"But dude! Buwis buhay ang ginagawa mo ahh. Alam kong alam mo kung sino ang makakalaban mo."
"Ganito ko magmahal pare! Seryoso ko sa kanya simula palang kaya ginagawa ko ito. I want her to be mine!"
Kinuha ko cellphone ko ang pinagmasdan ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.
"Dude malusaw yan! Tara sa bar ng sumaya naman ang buhay natin."
"Mag-isa ka! May mahal na ko."
"Ang tanong mahal kaba? Tara na kasi pampagana lang."
"Pass muna ko, I have to do something."
Tumayo na ko sa upuan gayun din ang kaibigan ko. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pintuan ng bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko.
"Anong balita?" Tanong ko sa isa kong tauhan.
"Okay na po sir. Nagawan ko na po ng paraan. Hihintayin nalang po natin ang susunod niyang gagawin."
"Sige salamat." binaba ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagsisimula na. Malapit na kanang mapasakin. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang.
BINABASA MO ANG
MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBAND
Romance"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pak...