CHAPTER 2

172 7 0
                                    

Maaga ako nagising dahil magkikita kami ni Xander ngayon. Ayokong nalelate sa usapan.

Hindi ko pa pala napapakilala ang fiancé ko sa inyo. Si Xander De Lasol ang fiancé ko. Panganay siya sa kanilang magkakapatid. Sumunod sa kanya si  Xyrille De Lasol at ang bunso nila si Xophie De Lasol ang nagiisa nilang prinsesa. Matanda sakin ng 3 years si Xander at kasing age ko naman si Xyrille. Matanda naman ako ng isang taon Kay Xophie. Ang mom and Dad nila si Tita Luisa at Tito Regan Sila ang may ari ng De Lasol Airlines.

Nagtext siya sakin na magkita kami isang boutique malapit sa office niya and here I am waiting for him habang titignan ang catalogue ng mga gown. Ang sabi niya maaga siyang darating at sabi niya kahapon wala na siyang work ngayon. Tapos ngayon nandito kami sa malapit sa office niya. tsk. padabog Kong nilipat ang page ng catalogue.

"Hon."

I heard his voice galing sa entrance ng boutique. Lumingon ako para tignan siya. I smile at him, tumayo ako para lapitan siya at salubungin na rin. Hinalikan niya ko sa noo ko na nagpakilig sakin at nagpawala ng inis ko sa paghihintay sa kanya.

Nakakainis bakit kasi isang halik lang nya nawawala na yung galiy ko.

"So ito pala yung sinasabi mo Xander? Mukhang maganda nga dito."

pero ang nakakabanas may kasama siyang feelingera! Naiinis nanaman ako. Hindi ko nalang ipapahalatang kinilig ako. tsk

"Bakit ngayon ka lang? At isa pa bakit mo kasama yan?!"

Tinaasan ko ng kilay ang babaeng sobra kung makadikit sa fiancée ko.

"hon wag ka magalit, wala pa din daw kasi siyang mapiling gown kaya nakiusap siya kung pwede siyang makijoin sa paghahanap natin ng gown mo."

"Pero bakit hindi mo sinabing kasama natin yan ngayon?"

"Biglaan lang, pumunta siya sa office kanina, so sinama ko na siya."

Lumapit sakin si Xander after niyang magexplain, umupo na kami couch at tinulungan niya Kong maghanap ng magandang gown at gaya ng sinabi Kong may feelingera kaming kasama. Gumagawa nanaman siya ng eksena.

"Hon bagay sayo 'tong gown na 'to mukha kang prinsesa dito." sabi ni Xander habang nakaturo sa gown na Parang may mga diyamante na nakapalibot sa buong tela sa kinang nito.

"Hindi ba OA? Kasi gusto ko yung simple pero madating."

"Diba gusto moh sayo ang atensyon ng mga tao? Edi ayan nalang ang suotin mo." - feelingera

May pagka sarcastic na sabi niya.

Aba nakikisabat ang bruha. Kapal ahh.

"Hiningi ko ba ang opinion mo?"

Nakita Kong natawa si Xander at ang mga personnel sa loob mg boutique sa sinabi ko. Nakita ko ang mukha niyang namumula dahil napahiya siya.

Kinakalaban mo kasi ako e. sorry kana lang maldita ako e.

"Xander ito tingin mo bagay sakin 'to?" - feelingera

Nakita Kong ngumisi siya pagkatapos niyang makuha ang atensyon ni Xander. Siya ba ang fiancé para humingi ng atensyon? siya na nga nakakaabala ang kapal pa ng mukha makisawsaw. tss ito naman si Xander Parang timang nagpapauto din. Dapat ako ang inaasikaso niya ehh. tss

"Okay lang, bagay sayo yan Ciara."

sabi ni Xander na nginitian pa ang feelingera na yun.

At yun Parang sila na yung ikakasal dahil naitsapwera na ko sa usapan nilang dalawa. Hindi naman halatang close sila pero diba ako ang bride!

"Ano? ganito nalang tayo?! Kanino bang kasal 'to? Sino ba talaga ang hinahanapan mo ng gown Xander?!"

Nakita Kong nagulat si Xander dahil tinawag ko siya sa pangalan niya. Alam niyang kapag tinawag ko na siya sa pangalan niya galit ako sa kanya. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang pesteng feelingera na yun. Kapal talaga akala niya ahh. hindi ako papayag na ako imaging talunan dito. humanda ka Maya Maya.

"Mauuna na ko sa inyo mukhang busy kayong magkwentuhan, kaya ko namang humanap ng ako lang."

Tumayo na ko sa upuan ko at maguumpisa ng maglakad ng hablutin ni Xander ang kamay ko.

"Hon, I'm sorry. Hindi na mauulit Tara samahan na kita humanap ng ibang boutique kung wala kang mapili dito."

Nagmamakaawang sabi ni Xander. Kailangan ko siyang tiisin para malaman niyang nagseselos ako.

"Wag na, samahan mo nalang yang pulubi na yan na nanglilimos sayo sa panahon!"

Binawi ko yung kamay ko at nagsimula nang maglakad ng marinig Kong magsalita si Xander.

"I'm sorry Ciara pero mauuna na kami. Yung asawa ko hindi ko kayang makitang ganyan at ayokong hayaan na magisa lang siya at hindi ako kasama."

Narinig Kong tumakbi si  Xander papunta sakin at inakbayan ako.

"Okay you won honey. Hindi ko kayang ganyan ka." Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya na naging dahilan Para kiligin ako at mapangiti.

Nilingon ko si Ciarang Feelingera at Naramdaman ko nanaman ang "VICTORY" ng makita ko nanaman ang mukha niyang talunan.

****

"Hon what do you want?"

Tanong sakin ni Xander habang pareho kaming nakatingin sa menu ng restaurant na kakainan namin.

"Mix valenciana nalang sakin."

Akala niyo susyal na restaurant ang kinainan namin? haha it's just a simple restaurant na kubo yung kainan. Favorite spot kasi namin 'to hindi man siya susyal masarap na at affordable pa ang mga pagkain. mabubusog ka talaga. Saksi ang lugar na'to sa pagmamahalan namin ni Xander.

"Hon hindi ka pa rin nagbabago yun pa run ang favorite mo at alam mong favorite ko din yun."

Tama kayo ng basa. Favorite naming dalawa yun. Sa tagal naming kumakain dito yun at yun ang ino-order namin.

"Can I join you sweet lovers!"

Napalingon kami sa likuran namin dahil sa pamilyar na Boses na narinig namin.

♥♥♥♥
 

pavote and pafollow na rin guys!

thanks for reading this story!!
Comment na din kayo. Thanks again!

Si Xander pala yung nasa picture.

MY BRIDE'S MAID STOLE MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon