Danniela's POV
May pasok na naman daw ngayon. Ewan ko ba kung bakit wala pa rin pasok sa school ang alam ko lang annual meeting ng studentcouncil at ng staffs. So bahay muna for four days.
Gumising na ako para makapaghanda para sa pagiging PA ko kay Jayce. Syempre nakakahiya naman sa mahal na hari kapag gusgusin akong tingnan diba?
Naligo muna ako tapos pagkatapos nun nagbihis na ako.
Isang plain white sando lang naman ang suot ko tapos may blue na blouse ang nakapatong tapos naka jeans ako. Then black na snikkers.
Kinausap kasi ako ng isa sa mga staffs dun. Importante daw ang grooming saming mga personal assistants. Lalo na't magsisilbi kami sa mga artista at sikat.
Lelang nila ang dami nilang pakulo.
Pero di bale na. Andun kasi si Sam Concepcion kaya magpapaganda ako. May shooting din kasi siya baka pwedeng magpa-picture din ako sa kanya. Ahihihih. Landi lang.
Lumabas na ako ng kwarto at saglit na sumulip sa kwarto ng mahal na hari. Taimtim itong nakasara. Ibig sabihin tulog pa. Kaya mauna na ako run.
Pero baka malate siya kaya gigisingin ko na lang.
Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto niya. At pinwesto ko ang kamay ko para kumatok.
Kakatok n asana ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Anong ginagawa mo diyan?" Cool na sabi ni habang suot niya ang shades niya.
"Ahh-ah. Ako ba? Gigisingin sana kita eh. Gising ka naman na so sibat na ako. Good bye. Mah sir" Nagsalute pa ako sa kanya bago naglakad paalis.
Pero natandaan ko na naman ang nangyari kanina. Kakatok sana ako nang binuksan niya. Pagkabukas pa naman niya sobrang lapit ng mukha naming sa isa't isa. Grabe. Nahipnotise ako sa ganda ng mata niya.
Haaaay. Ano ba itong pinagiisip ko. Paano naman ako mahihipnotise eh nakashades siya. Oo nga noh. Paano. Eh naka-shades siya. Pero ramdam ko ang titig niya. Ayy feeling.
Lumabas na ako ng bahay at pumara ng trycicle. Wala pang isang minute ay may tumigil na na trycicle sa harap ko.
Yey. Hindi ko kasabay ang antipatiko este ang master.
___
Nang makarating ako sa building ay agad akong pumasok para mahnd ko na ang dressing room ni Jayce.
Pagkapasok ko sa dressing room ni Jayce ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko.
BAKIT ANG KALAT NITO?!!!!! EH KAHAPON LANG NUNG UMALIS KAMI AY ANG LINIS NAMAN NITO. SAAN GALING ANG MGA ITO. SINONG NAG-FIREWORKS SA LOOB NG DRESSING ROOM NI JAYCE AT GANITO ITO?!!!!!!
Gusto kong bugbugin ang gumawa nito. Pahirap ba naman ako.
Haaay. Lumapit na ako at nagsimulang ayusin.
Sinimulan ko dun sa apparador. Halos lahat ng malinis na damit ay nakalabas at nakahandusay sa sahig.
Arggggh.
Inisa-isa ko itong pulutin at itiniklop para mapasok ng maayos sa loob ng cabinet. Inayos ko rin isa-isa yung mga sapatos sa ilalim ng rack. Anubeyen bakit may brief dito.?!!!!!
Ang laswa naman nito pero ano pa nga ba magagwa ko. Pinulot ko ito at itiniklop ng maayos tsaka ipinasok na sa loob ng drawer. Yung totoo. Dressing room ba ito o boarding house.Para kasing dito na nakatira si Jayce eh. Pati undergarments andito susme.
Sunod naman ay inayos ko ang mga nasa salamin niya. Puro pabango lang naman yun at deo. Alangan naman na meron dun make-up diba.
Tapos ay inayos ko rin yung mga set-chairs na nakahandusay sa sahig at mukhang ang saraaaaap ng tulog. Tinayo ko sila at inayos sa gilid.
BINABASA MO ANG
Fightmate
FanfictionLove starts with finding your soulmate through social medias.Or through loving someone that you've met for a long time. But is it also possible that their love started wit a catfight?Is it really love that started with their fight?Or they just misun...