Chapter 12 - Need a date?

34 3 4
                                    

Danniella's POV

Tanda niyo yung sinabi ni Jayce na bayaran ko daw yung dress.Totoo yun.

Bruhong yun.Sorry gift pinapabayaran.Kabwisit.

Naglalakad ako sa hallway habang nagiisip ako ng pwede ko munang trabahuhin na part-time para dun sa bwisit na bruhong yun.

Nang biglang may nakabangga sa akin.

"Ooooops sorry"pagkasabi nun ng babae umalis kaagad siya.Halatang nagmamadali siya.

"Nu bang meron?"bulong ko sa sarili ko.

Habang lingon ng lingon yung ulo ko habang hinahanap ko kung ano meron may nahagip ang paningin ko.

Huwaat.

Anong ginagawa ni Jayce dun sa itaas ng isang silya habang may hawak na mic.

Lumapit ako pero hindi sobrang lapit kasi napapalibutan siya ng mga babae kaya hindi malalapitan.

"Look guys we all know na malapit na ang Valentine Dance.At alam ko naman na all of you dreamt of this."he smirked.Laking gulat ko nang nalaman kong nakatingi pala siya sa akin."I need a date."nang sabihin niya yun napuno ng hiyawan ang buong hallway.

'Ako na lang Jayce'

'Ako available ako'

'No sige sa iyo na si Aaron basta sa akin si Jayce'

Samu't sari ang mga sinisigaw nila habang ako nakatulala lang dun.Napako kasi tingin ko sa isang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

"I thing I have decided.."Jayce paused a bit"Sorry but I already found a Date..."nanahimik ang buong hallway tila inaabangan ang saabihin ni Jayce."Can I invite you Dan..."napatigil siya sa pagsasalita nang may umagaw ng mic.

"Sorry every one for the delay pero saglit lang ito pramis walang paligoy-ligoy ..,."saglit na tumingin sa akin si Enrico.Isa sa mga member ng Scion Brothers."Danniella may I invite you for the Valentine Dance?"

Whooooo.Di nga?

Si Enrico iniinvite ako sa Valentine Dance.

May pagaalinlangan ako tumango.

Parang pakiramdam ko naiinis ako kay Enrico.May mali sa nararamdaman akong something na mali.I can smell something fishy aropund my feelings.Curious.

"Ok Jayce ikaw na"binigay na ni Enrico kay Jayce yung mic.

Si Jayce ayun nakatanga lang dun.

"Ahhhh....uhmmmm....guys pwede next time ko na lang sasabihin sa inyo kung sino yung napili ko nahihilo kasi ako eh"mabilis na sinabi ni Jayce sabay takbo.

Nu problema nun.

Bumaba siya sa silyang kanina pa niya inaapakan.

Pagkababa niya ay tinanong kaagad siya ng mga babae.

'Jayce bakit hindi mo sinabi kung sino gusto mong ka-date?"

'Jayce sino ba yung gusto mong iinvite.?"

"Wala...eh....nakuha....iba..."hindi malinaw sa pandinig ko yung mga sinabi ni Jayce.

Haaay ewan.

Nqaglakad na ulit ako ngayon naman pabalik naman ng class room.

Nang nasa daan na ako ay may humarang sa akin na tatlong matatangkad na babae.

"Where do you think you're going?"tanong nung nasa gitna.

FightmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon