Chapter 9 - I take it Back!!!!

54 4 2
                                    

Sunday.

Bahay ulit ako.Walang magawa eh.

Makapagaral na nga lan ako.

Kinuha ko ang libro ko tapos lumabas ng kwarto.Sa pool ako magbabasa malamig dun eh.

Bumaba ako ng hagdan.Tapos tumungo ako sa sliding door.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng sliding door ay bumulaga sa akin sa Jayce na basang-basa yung buhok topless at may nakasukbit na towel sa balikat niya.

Sa gulat ay napatitig na lang ako sa mukha niya habang siya naman ay sa mukha ko.

We remained like that hanggang.....

Natauhan ako.

Iniling ko ang ulo ko.Tapos tumingin sa ibang direksyon.Nag madali na ako tumalikod at naglakad palayo.Tuloy nawala na ako sa mood magbasa nakita ko lang ang lalaking panira ng araw ko.

Pumunta ako sa kitchen.

Nagluluto yung yaya.

"Ayy.Hi ma'am.May kailangan po ba kayo?"tanong nung yaya.

"Ahhh wala naman.Ano niluluto niyo"tanong ko.

"Surprise po"kinindatan ako nung yaya.

Napangiti na lang ako.

Ano kaya yun.

Haay.Anyway pumunta ako. ng living room at dun nagbasa ng libro.

Nagulat ako ng pumasok naman si Jayce at tumungo sa hagdan.

Malamang pupunta yun sa kwarto niya.

Nagbasa-basa muna ako.

After 5 minutes.......

Nabulabog na naman ang pag-aaral ko nang bumaba si Jayce mula sa kwarto niya.Ang mas nakakagulat pa ay parehas kami ng t-shirt.Batman yung t-shirt ko ganun din sa kanya.

Lumapit siya sa sofa na inuupuan ko at umupo dun pero malayo siya sa kinauupuan ko.Pero awkward pa rin ang atmosphere.

Pagka-flip ko ng pages ng libro ay may lumipad na isang papel.Lumanding siya sa gitna ng sofa.Hinawakan ko  ito para hindi liparin pa pero ang mas kinagulat ko ay may kamay na pumatong sa kamay ko.

Nagkatinginan kami at tila napasong tinaggal namin ang aming mga kamay mula sa isa't isa.Pero syempre dinala ko na yung papel.

Kunwari akong nagbasa pero totoo niyan wala akong naintindihan sa binabasa ko.Kasi walang ibang nasa isip ko kundi ang  feeling ko kanina nung nahawakan niya yung kamay ko.

"Ma'am, sir ready na po ang lunch"sabi nung maid.Buti na lang at least na-save ako from that awkward moment.

Tumayo na ako at tumungo sa dining table.Ganun din siya.

Ayyy.Teka bakit nga ba puro yung ginagawa niya yung iniisip ko.Aish naguguluhan ako sa sarili ko.

Umupo ako sa chair sa dulo tapos siya naman ay tumabi sa akin.Ok.This is kinda awkward.

Parang nabuhayan ako nung naamoy ko yung isang pamilyar na amoy na yun.Tiningnan ko yung sinerve nila.Nakatakip pa.

Hinawakan nung yaya yung handle nung takip bubuksan niya na.

1

2

3....

"UYYYY,CHILI ADOBO!!!!"sabay na sabi namin ni Jayce.

Nagkatinginan kami.

FightmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon