"Jagi! please wag kang tumingin sakin kapag pipicturan na ako. Naiilang ako kapag nakatingin ka sakin." Bulong sayo ng boyfriend mong si Baekhyun. Dahil nasa isang photoshoot kayo ngayon. May photoshoot kasi ang EXO ngayon para sa poster nila.
"Eh.. gusto kitang tignan eh. Bakit ba?"
"Hindi kasi ako makapagconcentrate. Lalo na kapag nakatingin ka."
"Hahaha Okay Oppa. Pipilitin kong hindi ka tignan."
"Sige Jagi. Aasahan ko yan. Hahaha."
"Okay! Start na tayo." Sabi ng photographer. Kaya tumayo na si Baekhyun para ayusin ang sarili niya.
"Okay ba Jagi?" Tanong niya sayo habang nakangiti.
"Oo ang gwapo talaga ng Oppa ko. Sige na punta ka na dun. Dito lang ako at hindi talaga kita titignan promise."
"Okay Jagi. Hintayin mo lang ko dyan. Basta yung usapan natin ha."
"Oo na. Promise."
Tumungo nalang si Baekhyun bilang pagsang-ayon sa sinabi mo at dumaretso na sa mga kasama niyang iba png members ng EXO.
Samantalang ikaw ay pilit na iniiwasan ang tignan siya habang nagsisimula na ang pictorial. Tinuon mo nalang ang iyong mga mata sa ibang member lalo na sa kaclose mong si Chanyeol na kanina pa makulit at nagpapatawa para sa mga kasamahan niya na kinukuhanan ng picture.
Ilng minuto na ng lumipas ay kay Chanyeol mo pa rin tinuon ang iyong mga mata at sa iba pang mga members.
"Baekhyun? Okay ka lang ba? Kanina lang okay ka naman bakit bgayon parang wala ka ng gana?" Nagulat ka sa sinabi ng photographer kaya naman napunta ang mga mata mo kay Baekhyun na nakatingin kay Chanyeol ng masama sabay tingin sayo na may malulungkot na mata.
"Sumama po kasi ang pakiramdam ko. Pwede bang magbreak muna ako or bukas niyo nalang ako kuhanan." Sabi niya ng malungkot.
"Ah.. ganun ba? Sige." Sabi ng Manager nila.
Umalis na si Baekhyun sa pwesto niya at kinuha ang bag niya. Dali-dali siyang lumabas ng room na iyon ng hindi ka pinapansin. Kaya nagtaka ka nalang sa nangyari. Wala kang nagawa kundi ang sundan siya palabas.
"Oppa! Wait! Anong problema." Sabi mo sa kanya habang habol mo siya sa mabilis niyang paglalakad. Pero hindi ka niya pinasin.
![](https://img.wattpad.com/cover/39940018-288-k839888.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.