"Ate! Nasaan na nga pala yung kababata mong pinangakuan kang papakasalan ka pagdating ng panahon? Yung pumunta ng Korea dahil doon na daw siya mag-aaral?" Tanong sayo ng kapatid mo habang nag-aayos ka ng gamit mo para sa trabaho.
"Naku! Hindi ko nga rin alam. Tsaka wag na nga natin siyang pag-usapan. Matagal na yun malamang nakalimutan narin niya yung pangako niya sakin. Mga bata pa kami nung mga oras na yun. Kaya baka ngayon may gusto na yung iba at hindi na ako. Marami kayang magagandang babae sa Korea kaya naman hindi imposibleng may girlfriend na siya."
"Sus! Kunyari ka pa Ate eh.. alam kong inaalala mo pa rin siya. Kaya wag ka ng magkaila pa dyan. Hindi mo nga tinatapon yang kwintas na bigay sayo ni Luhan eh."
"Tsk. Sabi ngang nakamove on na ako sa kanya. Sige na aalis na ako baka mahuli pa ako sa trabaho ko." Tumayo ka na at nagpaalam na sa mga magulang mo.
Sumakay ka sa bus na papunta sa trabaho mo.
'Nasan ka na? Talaga bang nakalimutan mo na ako? Talaga bang kinalimutan mo na ang pangako mo?' Sabi mo sa isip mo habang hawak ang kwintas na tinutukoy ng kapatid mo na ibinigay sayo ni Luhan noong mga bata pa kayo.
Pagbaba mo sa bus na sinakyan mo papunta sa trabaho mo ay may nadaanan kang isang CD shop. Pumasok ka sa loob para tumingin ng album na gustong-gusto mong bilhin.
"Oh my! Nandito ang hinahanap kong album, Your still the one album! Waaah!"
Idol mo kasing singer si Lulu na isang kpop artist and a singer na talagang naging successful sa buhay at album niya ang entitled na Your still the one.
Kinuha mo ang isang album at dinala ito sa cashier para bayaran may kasama itong poster. Napatingin ka naman sa mga nakapaskil sa loob ng shop at may nakit kang poster na may nakalagay na announcement about sa isang concert.
Magkakaroroon daw ng concert dito sa Pilipinas si Lulu sa isang araw at may gaganapin rin daw na fan signing event.
'Naku! Kailangan kong makabili ng ticket at pumunta ng fan signing event niya!' Sabi mo sa isip mo at masaya kang lumabas ng shop nang mabayaran mo na ang album.
Pagkatapos ng trabaho ay dumaretso ka kaagad ako sa SM para bumili ng ticket para sa concert ni Lulu.
---------------------------------
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.