Imagine 13 (Luhan)

73 1 4
                                        

Magtatanhalian na at tahimik kang nanonood ng TV sa iyong kama. Wala ka kasing magawa sa mga oras na ito dahil nga sa wala kang pasok at wala din naman ang boyfriend mo na si Luhan. Nasa practice kasi sa mga oras na ito ang iyong boyfriend dahil narin sa miyembro siya ng sikat na grupo kaya minsan ay di ka na nito nasasamahan lalo na at kaka comeback lang nila.

Abala kang nanonood nang biglang mag ring ang phone mo at agad mo itong sinagot.

"Hello?"

(Hello Jagi! How are you today?)

"Oh my Oppa! (Luhan) Okay naman ako lalo na ngayon na tumawag ka."

(I really miss you Jagi! Anong ginagawa mo ngayon?)

"Nanonood lang ako ng TV. Nabobored na nga ako eh. Kasi naman wala ka. Tapos na ba yung practice niyo?" Nakapout na tanong mo.

(Hindi pa nga Jagi eh. Baka mamaya pa. Nag break lang kami ngayon. Kaya naman tinawagan kita agad.)

"Yieeh ang sweet naman ng Jagi ko. Pero kumain ka na ba? Baka naman di ka pa kumakain ha? Baka naman inuna mo pa ang tawagan ako kaysa sa sarili mo."

(Hahaha ang kulit mo Jagi. Wag kang mag-alala kakain pa lang kami hinihintay lang namin yung mga inorder namin. Kasama ko yung iba pang members.)

"Yan good. Wag kang magpapagod ha?"

"Anak! may nagpadala sayo ng bulaklak." Sigaw ng Mama mo sa labas ng kwarto habang kumakatok ito.

"Opo Ma. Jagi wait lang ah." Sabi mo nalang kay Luhan sa kabilang linya at pumunta ka na sa tapat ng pinto mo para pagbuksan ang mama mo.

"Kanino daw po nanggaling Ma?" Nagtatakang tanong sa Mama mo.

"Hindi ko din alam eh. Check mo nalang kung may card. Sige na anak mauuna na ako baka malate pa ako sa work ko ha? Just text me if you need anything."

"Okay Ma." Sabay kiss mo sa pisngi ng Mama mo. Pagkatapos nun ay muli mo ng isinara ang pinto at bumalik na sa kama.

Kinuha mo ulit ang phone mo at sinagot ulit iyon.

"Jagi? nandyan ka pa ba?"

(Yes Jagi nandito pa ako. Eh anong nangyariu at nawala ka kanina.)

"Ah wala. may nagpadala kasi sa akin ng bulaklak mula kay... Sayo? Galing sayo to Jagi?" Nakangiti mong tanong sa kanya dahil narin sa saya mo."

(Yes Jagi. Nagustuhan mo ba?)

"Oo Jagi gustong gusto ko. Thank you ah.."

(Wala yun Jagi. Basta ikaw. Sige na Jagi kakain na kami. Mamaya nalang ulit. Bye I love you Jagi.)

"Bye Jagi I love you too."

(Sige na patayin mo na.)

"Sige Jagi bye.."

Lumipas ang ilang minuto ay hindi mo namalayan na nakatulog ka na pala.

Bigla nalang parang naramdaman mong may humahaplos sa mukha mo at sa buhok mo. Kaya naman dahan-dahan kang napamulat dahil narin sa pagtataka.

Nagulat ka nang mukha ni Luhan ang tumambad sayo. Maamo at nakangiti itong nakatitig sayo.

"Jagi? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba mamaya ka pa makakauwi sa inyo tsaka bakit nandito ka sa bahay namin?"

"Haha bakit? bawal ko na bang dalawin ang Jagi ko?" Sabi niya sayo habang hinahaplos pa din ang mukha mo.

"Hindi naman sa ganun Jagi. Pero nagtataka lang kasi ako. Diba dapat mamaya pa matatapos yung practice niyo?"

"Ah yun lang ba Jagi? Maaga kasi kaming natapos. Kaya eto nagmadali agad akong pumunta dito sa inyo at pinapasok naman agad ako ng kasambahay niyo. Dapat nga isusurprise sana kita kaso ako ang nasurprise kasi tulog ka hahaha."

"Ay ganun ba Jagi? sorry ah.. hahaha di ko naman alam na pupunta ka eh. Kaya sorry na Jagi." Sabi mo ng nakapout. Nagulat ka nalang nang bigla ka nitong yakapin ng mahigpit.

"Shhh.. okay na yun Jagi. Jagi namiss talag kita. Tara date tayo?"

"Sige Jagi."

"I love you (Y/N)."

"I love you too Oppa." Sabi niyo sa isat-isa habang yakap yakap pa din ang isa-isa.





EXO Imagines (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon