Tahimik kang nakaupo sa isang tabi habang nagbabasa ka ng bagong bili mong libro. Nasa isang cafe ka ngayon habang may isang milk shake na nasa tapat mo, na inorder mo kanina lang.
Bigla nalang may pumasok na isang lalaki mula sa pinto na talagang nag agaw pansin sa iyong mga mata. Dahil narin siguro sa pananamit nito. Naka jacket kasi ito na may hood na nagtatakip sa mga mukha nito at itim na mask na nagtatakip naman sa bibig nito. Pumunta ito sa counter para umoder. Kaya naman binalik mo nalang ang tuon sa binabasa mo.
Mamaya maya pa ay nagulat ka nalang nang mapansin mo na para bang may tao sa harap mo, na nahihiyang magsalita. Kaya naman napatingin ka dito, na mas lalong ikinataranta niya.
"Uhm.. pwede bang makiupo dito? Wala na kasing bakante." Tanong nito sayo.
Nagpalinga linga ka, at napansin na wala na ngang mauupuan pang iba. Kaya naman tumungo ka nalang bilang sagot.
"Thank you." Masayang sabi nito at nagpatuloy ka nalang sa pagbabasa. Nang biglang magsalita ulit ito.
"Anong binabasa mo? Mahilig ka din magbasa?"
"Ah.. oo. About mystery and horror tong binabasa ko. Kakabili ko lang kasi nito kanina kaya naman naisipan ko kagad na dumaretso dito." Sagot mo.
"Parehas pala tayo. Mahilig din ako sa mga libro at magbasa ng mga mystery. Ah. I'm sorry ah."
"Ha? Para san naman?"
"Baka kasi naiistorbo na kita."
"Hmm.. hindi naman. Okay ka naman kasama eh." Sabay ngiti mong sabi.
"Talaga?" Natutuwa niyang sabi.
"Oo. Ahm.. may sakit ka ba? Hindi ka ba naiinitan dyan sa suot mo?" Nagtataka mong tanong sa kanya.
"Medyo naiinitan. Kaso kailangan."
"Ha? Anong kailangan? May sakit ka ba?" Tanong mo sa kanya at hindi mo naiwasang hipuin ang noo nito na ikinagulat ng lalaking nasa harap mo.
"Ah.. wala to. Okay lang ako." Sabi nito na medyo nataranta at medyo namumula.
"Ganun ba? Hahaha mukha naman wala ka ngang sakit pero namumula ka oh."
"Wala lang to. Ganto talaga ah. Kapag medyo naiinitan."
"Hubarin mo na kasi yang jacket mo, para naman gumaan yang pakiramdam mo." Pangungulit mo sa kanya.
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanficRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.