"Jagi? okay ka lang ba?" Tanong sayo ng boyfriend mong si Chen habang hingal na hingal. Nagmamadali kasi siyang pumunta ng bahay niyo nang malaman niya na masama ang pakiramdam mo. Tinawagan kasi ito ng mama mo nang hindi mo nalalaman.
"Oh. Oppa? Bakit nandito ka? Di ba may work ka ngayon?" Nanghihinang tanong mo sa kanya habang pinipilit mong makaupo mula sa pagkakaiga mo.
"Tinatanong pa ba yan? Boyfriend mo ako kaya tama lang na nandito ako." Sabi niya sayo habang medyo badtrip at alalang nakatingin sa kalagayan mo.
"Sige mauuna na ako sa inyo. Aalis muna ako at may aasikasuhin pa ako sa bahay. Chen, ikaw ng bahala sa anak ko."
"Sige po Mama. Ihahatid ko na po kayo."
"Wag na dito ka nalang. Kaya ko na ang sarili ko."
"Sige po Ma. Ingat po kayo."
"Sige." Sabay labas ng Mama mo sa pinto ng kwarto niyo.
"Pano yung work mo?"
"Huwag kang mag-alala jagi nagpaalam naman ako eh. Tsaka hindi ko talaga matiis na hindi ka puntahan dito."
"Okay narin naman ako oppa eh. Medyo nahilo lang ako. Tsaka nandyan naman si Mama para alagaan ako. Kaya bumalik ka nalang doon sa work mo."
Biglang kumunot ang noo ni Chen dahil sa sinabi mo.
"Wag ng matigas ang ulo. Dito lang ako!, hindi ako aalis hanggat di ka gumagaling."
Napapout ka nalang pero sa totoo lang ay kinikilig ka dahil sa kinikilos ni Chen para sayo. Lumapit ito sayo at umupo sa katabing upuan ng kama mo. Nagulat ka nang bigla ka nitong hipuin ang noo mo.
"Ano ba yan nilalagnat ka pa nga. Sinabihan na kasi kitang wag masyadong magpagod at sumali sa maraming activities sa school. Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Di ka nakikinig sakin."
"Ikaw nga tong matigas ang ulo eh. Ayaw mong makinig sakin na bumalik sa work mo. Si mama kasi eh.. sinabihan ko ng wag sabihin sayo. Pero sinabi niya pa rin."
"Buti nga mama mo eh. Sinasabi kung anong nangyayari sayo eh. Ikaw naman tong girlfriend ko, ikaw pa tong naglilihim."
"Sorry na oppa. Ayoko lang naman na maistorbo kita eh."
"*sigh* (Y/N) hindi ka istorbo sakin. Ikaw nga ang dahilan ng pagtatrabaho ko eh. Gusto kong maging magarbo ang kasal natin. Kapag ikakasal na tayo. Kaya wag na wag kang maglilihim sakin lalo na kapag may sakit ka."
"Okay Oppa. Hindi na ako uulit."
"Promise?"
"Ne. Promise Oppa."
"Prove it give me a assurance."
"Oh.. ito oh. Pinky promise." Sabay lahad mo ng hinliliit mo.
"Hindi yan ang tinutukoy ko."
"Ha? Ano? Di kita magets."
"Kiss Promise."
"Ha? eh ayoko. Baka mahawa ka pa."
"Wala akong pake kahit mahawa pa ako. Dapat ako nga ang dapat na may sakit eh. Ayokong nakikita kang ganyan jagi."
"Okay smack lang ha?"
Nilapit mo na yung mukha no sa kanya at kiniss siya ng smack lang. Pero bigla ka niya niyang hinawakan sa leeg at hinalikan passionately.

BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanficRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.