Imagine 26 (Chen)

43 1 0
                                    

It's a cold evening in your condo. Hinihintay mong dumating ang boyfriend mong si Chen habang nakaupo ka sa inyong sofa. Nangako ka kasing hihintayin mo siya hanggang sa marating siya galing sa trabaho kahit na pinapauna ka na niya sa pagtulog.

Miss na miss mo na din siya dahil narin sa galing pa sila sa out of town tour nila. Ilang araw din siyang nawala sa tabi mo.

Pilit mong iminumulat ang iyong mga mata kahit na paunti-unti na tong pumipikit. Di mo namalayan ay tuluyan ka na ngang napapikit.

Nagising-gising ka nang makaramdam ka ng para bang may humahawi ng buhok mo sa mukha. Unti-unti mong iminulat ang iyong nga mata at laking tuwa mo nang marealize mo na si Chen na pala ang nasa harap mo. Agad mo itong inakap ng mahigpit.

"Oppa! Your so unfair! I really missed you, so much. How dare you!" Maluha-luha mong sabi habang yakap mo pa rin ito ng mahigpit na para bang ayaw mo na itong bitawan pa.

"I missed you too Jagi more than you do and more than you know." Sabi nito sayo habang yakap ka din pabalik. "I promise. Babawi ako sayo. Gagala tayo kahit saan mo gusto sabihin mo lang kung saan at kailan, pupuntahan natin yan." Dugtong niya.

"Hindi ko naman gustong pumunta pa sa ibamg lugar. Okay na sakin yung makasama lang kita sa araw-araw. Yung marinig ko lang ang boses mo masaya na ako."

"Aww.. sweet Jagi. Halika na nga sa kama at matulog na tayo. Medyo pagod na din ako at miss na miss na kitang katabi sa pagtulog." Nakapout na sabi ni Chen sayo kaya naman hindi mo napigilan ang sarili na kurotin ito sa kanyang ilong.

"Aww! Jagi tama na. Ang sakit." Sabi nito sayo habang hawak mo pa rin ang ilong nito.

"Sorry na. Ang cute-cute mo kasi eh. Masakit ba masyado?"

"Oo. Kiss mo ko." Nakapout pa rin na sabi niya.

"Halika dito. Lapit ka." Sabi mo. Kaya naman lumapit nga ito sayo.

Pagkalapit niya ay hinalikan mo ang ilong nito.

"Aww.. hindi yan. Dito oh." Sabi niya sabay nguso. Natawa ka nalang sa ginagawa ni Chen dahil para talaga siyang bata sa ginagawa niya.

*Kiss*

"Okay na? Tara na sa kama natin." Sabi mo.

"Isa pa. One more please?" Pamimilit niya habang nakanguso pa rin.

Di mo siya pinansin at tumayo ka na upang pumunta sa kwarto niyong dalawa. Wala pa rin tigil si Chen sa pagkumbinsi sayo na ikiss ulit siya sa labi.

Pagkarating niyo sa kwarto niyong dalawa ay humiga ka na at humiga narin si Chen sa tabi mo. Kaya naman nagkatitigan kayong dalawa dahil nga sa magkatapat kayong nakahiga.

"Please Jagi. Last one na talaga." Nakapout na naman na ulit niya.

"Haist.." Sabi mo nalang sabay lapit kay Chen at pulupot ng kamay mo sa batok nito sabay halik sa labi nito habang kayong dalawa ay nakapikit.

Pagkatapos nun ay inilagay ka ni Chen sa kanyang mga bisig at natulog kayong dalawa ng mahimbing.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO Imagines (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon