"Babe? Makakauwi ka ba sa Noche Buena?" Tanong mo sa asawa mong si Xiumin habang nag aayos ito ng gamit na dadalhin niya sa gaganapin out of town business niya.
Napatigil naman ito sa ginagawa at lumapit sayo para hawakan ang dalawang kamay mo.
"I will try babe. Medyo nagkaroon kasi ng problem sa schedule namin. Pero I will make sure na makakauwi ako dito. Kaya don't worry. I promise." Sabi nito sayo habang ito ay nakangiti at hawak ang kamay mo. Then nilapit ka nito sa kanya at inakap ng mahigpit.
"Hinding hindi ko papalagpasin na makasama kayong dalawa sa pinakamasayang araw na iyon. Kaya hintayin niyo ako ni baby ah?" Dugtong pa nito at kumalas na sa pagkakayakap sayo at ibinaling naman niya ang tingin sa tyan mo at lumuhod para makatapat ito.
"Baby. Wait mo di daddy ah? Babalik agad si Daddy tapos kakain tayo ng maraming pagkain. Take care baby wag kayong magpapakapagod ni mommy ha?" Kausap nito sa tyan mo. Dahil nga buntis ka ng ilang weeks palang.
"Mag-iingat ka din doon. Babe. Hihintayin ka namin ni Baby."
"Yes. Babe I will." Sabi nito at hinalikan ka ng ilang segundo.
"Oh sige na aalis na ako at baka magbago pa ang isip ko."
----------------------------------
(Christmas Eve)
"Baby, ang tagal naman ng daddy mo. Kanina pa natin siya hinihintay ah.. marami narin nakahaing pagkain. Gutom ka na ba? Wait lang. Hihintayin lang natin si Daddy." Nag-aalalang sabi mo habang himas-himas ang tyan mo. Kanina mo pa kasu ito tinatawagan at hindi manlang nito sinasagot.
*knock* *knock*
"Ayan na. Baka nandyan na si Daddy." Sabi mo at tumayo ka na mula sa pagkakaupo. Nagulat ka nang wala kang nakitang kahit sino maliban lang sa isang regalo. Kaya naman agad mo itong kinuha at pumasok ka sa loob.
Pagbukas mo ng regalo ay laman itong sweater at card.
Binasa mo ito at galing ito sa asawa mong si Xiumin at may nakasulat na, suotin mo ito ngayong Christmas. Kaya naman naisipan mong pumunta sa kwarto niyo at suotin ito.
Kasyang-kasya ito sayo at ang sarap sa pakiramdam dahil sa malambot din ito. Palabas ka na ng kwarto niyo nang biglang pagbukas mo ng pinto ay si Xiumin ang nakita mo sa tapat nito habang may hawak hawak na gitara.
Kumanta ito ng nakatitig sayo at pagkatapos nitong kumanta ay agad nitong binaba ang gitara nito at lumapit sayo para yakapin ka ng mahigpit.
"I miss you babe. I really-really miss you."
"I miss you too babe." Nakangiti mong sabi.
"Suotin mo lang tong sweater na to sa tuwing miss mo na ako. Ako kasi ang gumawa niyan para naman kahit wala ako, lagi mong mararamdaman yung yakap ko."
Napahiwalay ka sa pagkakayakap niya sayo upang makita ang mga mukha nito.
"Talaga? Pero diba? ayaw mo na ayaw mo yung paglalala? Kasi naiinip ka? Tsaka naguguluhan ka kung pano to matapos tapos wala ka rin time para makatapos ng ganun. Kaya pano mo to nagawa?" Sabi mo ng punong puno ng pagtataka.
"Sabihin nalang natin na, nagpaturo ako sa Mama mo at pinilit kong matuto para lang magawan kita ng ganito. Tapos sa tuwing may free time ako, ginagawa ko to."
"Yieeh? Talaga? Speechless ako babe. Wala na akong masabi." Sabi mo.
"Wala ka ng kailangan pang sabihin. Okay na yung makita kitang nakangiti at masayang masaya. So.. tara na. Kumain na tayo. Medyo nagugutom na kasi ako eh." Sabi sayo ng asawa mo at hinawakan ng mahigpit ang kamay mo at hinila ka na papunta sa hapag-kainan.
At kumain kayo ng masaya ngayong ngayong Noche Buena.
---------------------------
Yieeeh! Sana nagustuhan niyo. Dapat nung pasko pa to eh. Para saktong Christmas kaso lang mas nauna ko yung pagkain nung araw na yun. Wahahaha! Dejoke, hindi ko lang pala talaga napost. Ge feel free to vote, request and comment.
PS. kung gusto niyo magrequest, just pm me or inform me in any way you want. Yun lang salamat.
-EXOfan28
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.