Naisipan mong maglakad-lakad sa labas ng building ng school ninyo, nang makita mo ang isang pamilyar na likod ng isang lalaki sa may isang tabi. Nakaupo sa gilid ng hagdan habang natatakpan ang mukha nito dahil nakayuko ito. Kaya naman napatigil ka sa paglalakad at q ito para tanungin.
"Chanyeol? Okay ka lang ba?" Tanong mo sa kanya ng mahinahon at umupo ka sa tabi nito.
Hindi ito nagsalita.
"Chanyeol? Anong nangyari? Sabihin mo lang. Baka natulungan kita."
Hindi pa rin ito umimik,kaya naman naisipan mo ng tumayo.
"Okay sige. Hindi na kita kukulitin. Mauuna na ako. Basta ilabas mo lang yan."
Paalis ka na sana nang bigla ka nalang nakaramdam ng kamay na humawak sa braso mo
"(Y/N) Pwede bang dito ka na muna? Wag mo muna akong iwan please. Samahan mo muna ako." Sabi nito habang nakatingin sa mga mata mo.
Kitang-kita sa mata niya ang lungkot. Kaya naman bumalik ka nalang sa tabi niya habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa braso mo.
Bumalik ito sa pagkakayuko habang hawak pa rin nito ang braso mo. Tahimik ka lang na nakikiramdam sa kanya at pinipilit mo ang sarili mo na manahimik muna dahil narin sa hindi mo alam ang mararamdaman mo sa mga oras na ito. Lalo na at may gusto ka sa lalaking katabi mo sa mga oras na ito.
"(Y/N)?" Sabi nito. Medyo nagulat ka dahil hindi mo ineexpect na tatawagin nito ang pangalan mo.
"Hmm?"
"Pangit ba ko?"
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi ka pangit no. Ang dami ngang nagkakagusto sayo eh."
"Eh bakit di mo ko napapansin? Bakit hindi ako napapansin ng isang katulad mo?" Mahinahon nitong tanong sayo habang nakatungo pa rin.
"Ha? Hindi kita maintindihan." Gulat na reaksyon mo sa sinabi niya.
"Alam mo, ang manhid mo. Hindi mo ba alam na nagseselos ako?" Sabi ni Chanyeol sayo kasabay ng pag-angat ng ulo nito.
"Ha? Bat ka naman nagseselos?"
"Kasi nga gusto kita at nagseselos ako kasi may kasama kang ibang lalaki. Nakipagtawanan ka pa nga sa kanya eh. Samantalang ako, parang ayaw mo akong kausap. Parang palagi kang umiiwas. Kaya naman naisip ko tuloy, siguro ayaw mo lang talaga sakin." Malungkot na sabi nito.
"Chanyeol, hindi naman totoo yang pinaniniwalaan mo eh."
"Anong hindi totoo? Eh kitang kita naman eh."
"Ano ka ba. Hindi naman porket di kita pinapansin, ayoko na sayo agad ang ibig sabihin nun. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko kapag nasa malapit ka. Ayoko kasing mapansin mo na may gusto ako sayo. Ayoko na mareject ako or lumayo ka sakin gaya ng mga babaeng nagkakagusto sayo na nilalayuan mo."
"Really? Totoo ba yang sinasabi mo?" Gulat na may halong tuwa na sabi nito.
"Oo. Kaya wag ka ng malungkot kasi umaamin na din ako sayo na gusto din kita. So quits na tayo. Wag ka ng magmukmok dyan. Para kang bata eh. Ang tangkad-tangkad mo pa naman."
"So kung ganun, pwedeng tayo na? Ayoko ng may makaagaw pa sayo. Gusto ko naman ang maging dahilan ng pagngiti mo. Because I love you (Y/N)."
"Parang ang bilis naman nun. Pwede bang ligawan mo muna ako."
"Ganun ba? Sige. I am willing to court you no matter what it takes."
"Talaga lang ha?"
"Yes. I will do everything just to have you." Then nakangiti siyang nakatingin sa mukha mo habang hawak ang kamay mo.
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.