Abala kang kumakain ng burger at fries na inorder mo lang kanina sa isang fast food chain na malapit lang sa work mo.
Mamaya maya pa ay biglang may napunta ang mga mata mo sa lalaking kakapasok lang. Nagtama ang mata niyo kaya naman agad mong iniwas ang tingin sa kanya at yumoko nalang dahil nahiya ka rin sa nangyari.
Ilang minuto din ang lumipas at iniangat mo na rin ang tingin mo. Ibinalik mo nalang ang tuon mo sa pagkain at pinigilan mong huwag ng hanapin pa ito dahil din sa gwapo ang lalaking nakita mo.
'Grabe! intense yun ah.. Bakit may napadpad na anghel dito? ay este gwapo dito?' Sabi mo nalang sa isip mo habang abala ka pa rin sa pagkain ng inorder mo.
"Hello Miss? Can I seat here?" Tanong ng lalaking nasa harap mo at nagulat ka nang makita kung sino ito dahil ito ang lalaking kanina lang ay iniisip mo. Kaya naman napatungo ka nalang dahil di mo rin kayang magsalita sa di mo malamang dahilan.
Agad naman siyang umupo sa tapat mo at napapansin mong parang nakatingin ito sayo.
"Ahm.. Miss can I ask your name?" Nakangiti nitong tanong sayo habang nakatingin sa mga mata mo.
Sa mga oras na ito ay gusto mo nalang sana na lamunin ka ng lupa dahil kinikilig ka sa mga nangyayari.
"Ahm.. I'm (Y/N)." Sabay ngiti mo kahit na medyo nanginginig ka sa sobrang kilig.
"Oh.. that's a nice name. I'm Sehun." Sabay abot sayo ng kamay niya para magshake hands. Agad mo naman tinanggap ang kamay nito at nagshake hands kayo. Nang matapos ay agad mong binawi ang kamay mo mula sa pagkakahawak sa kamay niya.
"Ah bakit ka nga pala nag iisa dito?" Tanong niya sayo habang nagsisimula na kayong kumain.
"Kasi lunch break namin ngayon. Tsaka mas pinili ko nalang na mag-isang kumain."
"Ah ganun ba? Baka naman nakakaistorbo ako sayo. Sige lilipat nalang ako." Tatayo na sana ito nang pigilan mo siya sa pamamagitan ng paghawak mo sa braso niya.
"Ay hindi okay lang naman. Kaya lang naman hindi ako sumama kasi di ko type yung pupuntahan nila kaya mas pinili ko nalang mag-isa." Kwento mo sa kanya pagkatapos niyang bumalik sa pagkakaupo.
"Ah kaya pala." Sabay sip sa cola na inorder niya habang nakatingin sayo.
"Eh ikaw? Bakit ka nag iisa?" Tanong mo naman sa kanya.
"Hmm.. I'm finding someone."
"Sino naman?" Nagtataka mong tanong sa kanya.
"Can I tell you something?"
"Sige. Ano ba yun?"
"Sa totoo lang talaga. Hinahanap kita."
Nagulat ka sa sinabi niya kaya muntikan mo na sanang mabuga sa kanya yung kinakain mong burger buti nalang at agad mo itong napigilan.
"Ha? Ako? Bakit?" Sunod-sunod na tanong mo sa kanya pagkatapos mong uminom ng cola.
"Okay ka lang ba? Sorry ah.. nabigla ata kita. Hmm. kasi ang tototo niyan matagal na akong interested sayo. Yung para bang interesado akong makilala ka. Nakikita kasi kita palagi na kumakain dito. Tapos yun hindi na kita makalimutan. Then pangako ko sa sarili ko na kapag nakita kita ulit ngayong araw, gagawa na ako ng paraan para makausap ka."
"Ah ganun ba?"
"O-Okay lang bang makipagkaibigan sayo? Sabihin mo lang kung hindi, aalis agad ako kung hindi ka comfortable."
"Hindi okay lang naman." Sabi mo sa kanya ng nakangiti.
Nagkwentuhan lang kayo hanggang sa matapos kayong kumain at hinatid ka narin niya sa trabaho mo. Naging close pa kayong dalawa at nakilala niyo na ang isat-isa. Niligawan ka narin ni Sehun at di nagtagal ay naging kayo din dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/39940018-288-k839888.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.