Imagine 19 (Baekhyun)

63 1 0
                                    

"Hello Oppa." Sagot mo sa tawag ng iyong boyfriend na si Baekhyun habang ikaw ay nakahiga sa kama mo. Naghahanda ka narin kasi sa pagtulog at hinihintay mo nalang kasi siyang tawagan ka dahil nagpromise ito na tatawag ngayong gabi.

"Jagi. Musta? Miss na kita."

"Okay lang naman ako . Eto medyo namimiss ka." Nakapout na sabi mo.

"Oo nga eh. Kahit ako namimiss na kita Jagi." Malungkot na sabi niya sa kabilang linya.

"Kumain ka na ba?" Tanong mo sa kanya na may halong pag-aalala.\

"Yup. Ikaw ba? Kumakain ka ba? Baka mamaya pinababayaan mo na yung sarili mo ah. Naku! Lagot ka talaga sakin kapag nalaman ko na hindi ka na naman kumain ah.. Magpahinga ka rin kasi wag puro aral." Pananaway niya sayo.

"Opo. Kumakain naman po ako. Oppa! kailan ka ba babalik dito?"

Nasa ibang bansa kasi ngayon si Baekhyun dahil may tour sila sa ibang bansa at tatlong araw mo na siyang hindi nakikita.

"Soon. Don't worry pagbalik ko dyan, marami akong dalang pasalubong sayo. Tapos magdedate tayo ng maraming beses."

"Promise?"

"Promise my Jagi. Tulog ka na. Sige ka papangit ka niyan kapag hindi kagad natulog."

"Hahaha yan ka na naman sa panakot mo eh. Di naman totoo yan."

"Eh. kahit na. Makinig ka sakin." Seryosong sabi niya sayo.

"Opo. Ito na matutulog na po."

"Okay. Good night my (Y/N). Sweet dreams. I love you."

"I love you too Oppa. Magpahinga ka kagad dyan ah. Pagkatapos ng work mo. Lagot ka rin sakin pag uwi mo, pag hindi mo ko pinakinggan."

"Haha opo. Sige na iend mo na yung tawag."

"Opo. Bye Oppa. Sweet dreams." Sabay pindot ng end call.

Pagka end ng call ay umiga ka kaagad at pinikit na ang iyong mga mata.

Bigla ka nalang nakaramdam na para bang may kamay na humihipo sa iyong mukha kasabay ng liwanag na galing sa iyong bintana. Kaya naman unti-unti kang napamulat at sa pagmulat mo ay mukha agad ni Baekhyun ang bumulaga sa iyo.

"Good Morning Jagi." Nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa mga mata mo.

"Oppa? Anong ginagawa mo dito? Nananaginip ba ako?" Hindi makapaniwalang tanong mo.

"Hindi ah. Hindi ka nananaginip. Totoo ang lahat ng to. Kanina pa nga kita hinahantay na magising eh."

"Ha? Ang aga pa lang ah. Tsaka anong kanina mo pa ako hinihitay na magising? Sana ginising mo nalang ako. Anong oras ka ba dumating?"

"Mga 5:00 am. Buti na nga lang at gising yung isa niyong katulong kaya napagbuksan kaagad ako ng pinto."

"Ha? So ang ibig sabihin ba nun eh kakagaling mo lang sa byahe?"

"Yup." Nakangiti niyang sagot sayo habang nakatingin pa rin sa iyong mga mata.

"Baka hindi ka pa natutulog niyan. Ikaw talaga. Sana dumaretso ka nalang muna sa condo mo at nagpahinga ka muna dun bago ka pumunta dito." Pananaway mo sa kanya ng nasa mahinahon at nag-aalalang tono.

"Gusto kasi kitang surpresahin eh. Tsaka gustong-gusto na kasi kitang makita." Sabi niya sayo sabay kurot sa mga pisnge mo.

"Eh kahit na. Sana nagpahinga ka manlang kahit saglit. Natulog ka ba sa byahe?"

"Hindi eh. Pero wag kang mag-alala kasi matutulog na ko. Dahil gising ka na, pwede bang sabayan mo ako sa pagtulog?"

"Hahaha ikaw talaga. Sige-sige sasabayan kita sa pagtulog. Kaso ang liwanag na eh. Wait lang isasara ko lang yung bintana at tatakpan natin ng kurtina para di masyadong maliwanag."

"Opps! Wag na. Ako ng gagawa." Pagpigil niya sayo kaya naman tumayo na siya at siya na nga ang gumawa ng sinabi mo.

Pagkatapos niyang gawin yun ay tumabi na ulit siya sa tabi mo at pumulupot and braso niya sa bewang mo para yakapin ka.

"Good Night my (Y/N)"

"Good Night Oppa."

THE END.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yey! Happy 300 reads. Salamat sa lahat ng bumabasa ng mga gawa ko pati narin sa mga sumusubaybay. Sana hindi kayo magsawang magbasa at maghintay ng updates ko. Feel free to follow, vote, comment and request.

Yun lang. Salamat. Thank You. Kamsahamnida!

-EXOfan28

EXO Imagines (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon