Naglalakad ka sa park na madalas mong tambayan o pasyalan. Dahil narin sa malapit lang itong park na ito sa bahay niyo. Nang biglang may tumama sayong ulo at ito ay bola na galing sa grupo ng mga lalaking naglalaro ng basketball sa di kalayuan.
Sa sobrang sakit ng pagkakatama sayo ay napahawak ka sa iyong ulo.
"Ahm.. Miiss okay ka lang ba?" Tanong sayo ng lalaking nasa harap mo. Di mo ito nakikita sa mukha dahil nga sa masakit ang pagkakatama sayo ng bola.
"M-Mukha bang okay ako sa lagay na to? aaaah.." Tanong mo sa kanya habang nakayuko pa rin at habang hawak ang sumasakit mong ulo.
"Sorry talaga. Pwede ko bang makita?" Sabi niya sayo. Pero bago ka pa makaangal ay hinawakan na niya ang ulo mo at nabigla ka nang malaman mo na ang lalaking kanina mo pa kausap at kanina mo pa hindi tinitignan ay ang iyong long time crush.
"A-Ah okay na ko. Di mo na kailangan pang tignan to." Sabi mo sa kanya habang iniiwas ang ulo mo sa kanya dahil hawak niya to kanina lang.
"Anong okay ka lang? eh dumudugo yung ulo mo." Sabi niya sayo ng may puno ng pag-aalala.
"Hindi nga. Okay lang ako promise. Ah. Sige una na ako sayo." Sabi mo sa kanya habang hawak mo ang sumasakit mong ulo. Pero bago ka pa makalayo ay naramdaman mo nalang na may humawak sa kamay mo at hinila ka nito.
Nagulat ka nalang nang marealize mo na ang crush mo pala na si Tao ang humihila sayo.
"Okay lang sabi ako eh. Tsaka kaya ko naman gamutin to mag-isa ." Sabi mo habang hila-hila ka pa rin niya.
Pero di ka niya pinansin at hinila ka pa rin nito. Hangang sa marealize mo nalang na sa bahay ka pala nito dadalhin.
"Teka? anong gagawin natin dito sa bahay nuiyo?"
"Eh ano pa ba? Edi gagamutin kita. Tsaka ppano mo nalaman bahay ko to?"
"E-Eh kasi naman nakikita ko lang na dito ka pumapasok. Malapit lang kaya ang bahay ko dito sa inyo. Kaya pwede bang mauna ana ako sayo ako nalang bahalang gumamot nitong sarili ko."
"Hindi pwede! Ako ang gagamot sayo. Ako may gawa niyan sayo eh kaya responsibilidad na kita."
Nagulat ka sa sinabi ng crush mo at feeling mo sa mga oras na ito ay pulang pula ka na, na para bang kamatis. Dahil narin sa sobrang kilig na nararamdaman mo sa mga oras na ito ay di mo mapigilang mapangiti nang tumalikod ito sayo para buksan ang pinto ng bahay nila.
"Pasok ka." Pag-aaya niya sayo.
Tumango ka nalang at pumasok sa loob. Nakita mo sa loob ang nakbabatang kapatid ng crush mo at bigla itong masayang napangiti sayo nang makita ka niya.
"Hello Oppa. Bat kasama mo si Ate--- Ay I mean bakit may kasama kang Ate?" Nakangiti pa rin na tanong niya sa kuya niya habang nakatingin sayo ng nakakaloko na para bang may gusto siyang gawin na di lang niya magawa kasi nandyan ang kuya niya.
"Wala gagamutin ko lang siya. Sige (Y/N) maiwan muna kita dito may kukunin lang ako sa taas. At ikaw naman KC (little sis ni Tao) wag mong kulitin ang bisita natin at manahimik ka lang diyan." Nagulat ka nang marealize mo na alam pala ng crush mo ang pangalan mo.
'Pano naman niya nalaman ang pangalan ko?' sabi mo sa isip mo.
"Aye! Aye! Oppa." Nakangiti pa rin na sabi nito.
Nang makaakyat na ang kuya niya sa taas ay sayo naman niya itinuon ang sarili at sabay ngiti na para bang nakakaloko.
"Alam mo ba ate (Y/N), matagal ng may gusto sayo si Kuya."
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanficRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.