Imagine 18 (Kai)

43 0 0
                                    

Naglalakad ka ng mag-isa sa corridor ng school niyo kasi may babalikan kang gamit na naiwanan mo sa kakamadali mo kanina sa paglabas ng classroom niyo.

"Nasan na ba yun?" Nag-aalala mong tanong sa sarili mo. Kasi ang naalala mo ay iniwan mo lang naman yun sa ibabaw ng desk mo kanina lang.

"Ah.. hello miss? Ito ba yung hinahanap mo?" Sabi ng tinig na nagmula sayong likuran at agad ka naman napalingon dito. Tumambad naman sayo ang isang gwapong-gwapong mukha ni Kai na talaga naman gustong gusto mo noon pa.

"Ah eh. Iyan nga. Naku salamat talaga." Sabi mo sa kanya, pagkalapit mo sa kanya ay agad naman niya itong inabot sa iyo.

"Nakita ko kasing naiwanan mo kanina. Ihahabol ko sana yan sayo kanina. Kaso hindi na kita nahabol kasi parang nagmamadali ka."

"Ah eh oo nga nagmamadali nga ako kanina. Kaya yun naiwanan ko tuloy tong mga gamit ko. Mahahalaga pa naman tong mga to sakin. Buti nakita mo. Salamat talaga ah?"

"Walang ano man. Pero hindi ako tumatanggap ng simpleng salamat lang."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ahm..(Y/N) nakakahiya man, pero pwede ba kitang ayain sa isang date?" Pakamot ulong tanong niya sayo na mukha talagang nahihiya sayo. Hindi ka naman makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na to.

"Ha? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nagtataka mong tanong. Kasi hindi mo naimagine na ang lalaking gusto mo dati pa ay aayain kang lumabas para makipag-date.

"Oo. Kaya pwede ba kitang ayain bukas na lumabas? Pagkatapos sana ng klase natin." Seryoso niyang tanong sayo.

"Oo naman okay lang naman." Sagot mo, hindi ka na nagpakipot pa at tinanggap ang alok nito.

"Talaga? Yes!" Tuwang-tuwa niyang sabi.

"Ah sige na mauuna na ako sayo hinihintay narin ako ng sundo ko." Sabi mo sa kanya. Kasi kanina ka pa hinihintay ng driver mo sa baba.

"Ah sige. Pwede bang sabay na tayong bumaba?" Sabi niya sayo ng nakangiti.

"Pwede naman." Nakangiti mo rin sabi.

"So tara na?" Aya naman niya sayo. Tumungo ka nalang bilang pag sang-ayon kasi hindi ka pa rin makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito.

Kaya yun magkasabay na nga kayong bumaba ng hagdan hanggang sa nagsipasok na kayo sa kanya-kanya niyong sasakyan.

Umuwi ka sa bahay mo ng kinikilig pa rin sa mga nangyari at hindi pa rin lubos maisip kung totoo ba ang lahat.

Kinabukasan ay maagang natapos ang klase niyo kaya medyo kinabahan ka, naiisip mo kasi na ilang minuto nalang ay magdedate na kayong dalawa ni Kai.

Sa sobrang kaba mo ay napagpasyahan mo munang pumunta ng CR para makapag ayos doon ng unti at antayin nalang si Kai sa waiting shed.

Naalala mo bigla na madadaanan mo yung classroom nila Kai kasi nga katabi lang ito ng classroom niyo na katabi lang din ng daanan papunta sa hagdanan. Kaya kinalma mo muna ang sarili mo bago ka dumaan sa tapat ng classroom nila Kai.

Nagsimula ka ng maglakad ng kalmado sa tapat ng classroom nila Kai nang biglang may naririnig kang may sumisitsit malapit sayo. Hindi mo naiwasan ang sarili sa paglingon, kaya paglingon mo nakita mo ang gwapong mukha ni Kai na nakasandal sa gilid ng bukana ng pintuan ng classroom nila.

"Ang aga naman matapos ng klase niyo, dapat pala sinundo na kita."

"Ah. Eh. Wala na kayong klase?" Nagtataka mong sabi.

"Hmmm.. wala na. So ano? Tara na?"

"Ah eh. Sige pero pwedeng mauna ka na. Hintayin mo nalang ako sa waiting shed. Pupunta lang ako ng CR."

"Okay sige." Nakangiti nitong sabi at nagsimula na nga kayong maglakad pababa at pumasok ka na nga sa CR.

Pagkatapos mong magsuklay, magpowder, at magpabango ay kinalma mo ang iyong sarili. Dahil mangyayari na ang date na kagabi mo pa iniisip-isip.

Pagkalabas mo ng Powder Room, nagulat ka nang makita mo na nakasandal sa pader si Kai habang hinihintay ka.

"Oh. Bat nandito ka? Sabi ko dun mo nalang ako hintayin sa waiting shed."

"Ah.. wala. Gusto ko lang na hintayin ka dito." Nakangiti niyang sabi sayo.

"So.. Tara na?" Inaya ka niya at kinuha sayo yung mga bitbit mong bag at dinala ito. Aangal ka sana kaso hindi ito nagpapigil sayo.

Naglakad na kayo palabas ng school niyo at bigla naman may tumigil na kotse sa tapat niyo na sa pagkakatanda mo ay kotse iyon ni Kai.

Kaya naman medyo nag-alala ka kasi nakalimutan mong sabihan yung driver mo na sa ibang kotse ka muna sasakay at magpapasundo ka nalang pagkatapos ng date niyo.


EXO Imagines (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon