Mag-isa kang naglalakad sa corridor ng school na pinapasukan mo. Papunta ka na kasi sa library pagkatapos ay sa room mo at hirap ka rin sa mga bitbit mong libro na ihahatid mo sa libtmrary. Bigla kang may nakabangga kaya naman nagsihulog lahat ng mga bitbit mong libro.
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa daan? mag-ingat ka nga sa susunod." Sabi sayo ng lalaking nakabangga mo. Tumingin ka sa mukha nito at nagulat ka nang makitang si Kris pala ito na matagal mo ng gusto.
"Sorry. Ang dami ko kasing binubuhat na aklat eh." Paliwanag mo sa kanya. Umupo ka naman at sinimulan mo ng pulutin isa-isa ang mga nahulog na aklat. Nagulat ka nalang nang tulungan ka nitong pulutin ang iba pang libro.
"Ah. Kris ako ng bahala dito. Wag mo na akong tulungan."
Bigla siyang napatigil at parang nakita mong ngumiti siya ng palihim. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha niya at pinagpatuloy ang pagtulong sayo.
"Okay lang. Ang dami pa naman nito hindi tamang iwanan nalang kita. Teka.. bakit nga pala ang dami mong dalang aklat? Tsaka pano mo nalaman yubg pangalan ko? " Tanong niya sayo habang nagpupulot pa rin.
"Ah. nakasalubong ko kasi yung teacher ko. Tapos nagprisenta akong tulungan siya na dalhin tong mga to sa library bago ako pumasok ng room. Tsaka kaya ko nalaman ang pangalan mo kasi sikat ka dito sa school."
"Ah. ganun ba? Paprisenta-prisenta ka pa eh hirap ka naman buhatin ang lahat ng mga to." Sabi niya nang matapos kayong magpulot sabay tayo niya.
Pagkatayo niya ay inalok naman niya sayo ang kamay niya para makatayo ka. Tinanggap mo naman ito dahil hirap ka narin tumayo sa posisyon mo.
"Ah eh salamat." Sabi mo habang kinukuh kay Kris ang mga napulot niyang libro.
"Hindi ako ng bahala dito. Tutulungan nalang kitang dalhin to sa library. Baka mamaya may maperwisyo ka naman ibang tao." Sabi niya sayo in a cold way.
"Salamat ha? Tsaka pasensya na kung naistorbo pa kita."
Imbis na sagutin ka niya ay tinignan ka lang nito ng walang kaekspre-ekspresyon ang mukha.
Naglakad na kayo hanggang sa maibalik niyo na sa library ang lahat ng libro.
"Ah. hindi mo na ako kailangang ihatid sa room ko. Pwede ka ng pumunta sa room ko."
BINABASA MO ANG
EXO Imagines (TagLish Version)
FanfictionRead this, and be the girl of your dream with the one you've dreaming for from the EXO members. Feel free to imagine as you can.