Zari POV
Dior Week.
--
Maaga pa lang ay nasa venue na ako habang si Zian ay susunod mamaya kasama ang Ninang Vian at Ayi niya. Di makakapunta si Lolo dahil nasa Paris ito ngayon may business meeting daw don.
"Ma'am Z may pinadala po si Sir Ian na flowers pati na rin cake." Singit ni Mae habang inaayos ko ang mga damit na gagamitin ni Zian mamaya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit nagpapadala pa rin ang gagong yun e matagal na yun basted sa best friend ko." Biglang sigaw ni Vian mula sa pinto ng dressing room.
Napalabi si Mae dahil sa sinabi ni Vian. Di kasi sila magkasundo dahil mag kaibang manok daw ang panlaban nila.
"Hamak naman na mas gwapo si Sir Ian kesa sa ex ni Ma'am Z." Bulong ni Mae na kinalaki ng mata ni Vian.
Mukhang magsisimula na naman ang dalawang to. Never naman kasi nakita ni Mae si Thyro kahit sa pictures. Take note sobrang crush niya si Thyro dahil ilang beses na ito na features sa mismong magazine ng Dior. Wala lang naman siyang idea na yung ex ko at yung ultimate crush niya ay iisa.
"Nakikita mo ba ang mukhang ito Mae at ang mukha ng anak ng boss mo.. Ganyan ka ganda ang lahi namin ipapakilala kita sa ex ng boss mo ng matauhan ka na walang makakapantay sa Kuya ko." Pikon na sigaw ni Vian na kinagulat ni Mae.
"Grabe ka naman Miss Vian kung makasigaw parang ang layo ko sayo e nasa harap mo lang ako oh. Kaloka ka Ang war freak mo naman po. Edi ikaw na ang may magandang lahi." Sigaw din ni Mae sabay labas sa assign room namin.
"Gandang Ganda sa sarili e mas maputi lang naman siya sakin." Bulong ni Mae bago tuluyan na makalabas sa kwarto.
Napasinghap naman si Vian sa sinabi ni Mae.
Sige awayin mo pa.
"Did you hear that. Yang assistant mo ang sisisra sa buong Dior week ko." Singal niya sakin.
"Binubulyawan mo kasi kaya lumalaban sayo."
Magsasalita pa sana si Vian ng pumasok si Zian at Ayi habang may nakabuntot sa likod nila.
"Mama." Tawag ni Zian sakin habang nakasimangot naman si Ayi habang hawak sa kamay si Zian.
Mabilis na lumapit si Zian sakin sabay bulong.
"Nag aaway po sila dahil si Ninong Jake may kinausap na pretty girl out there." Natawa na lang ako sa inasta ni Ayi.
I look at them masyado malayo sila sa isa't isa.
"Sana all may katampuhan." Natatawang sabi ni Vian habang nakatingin sakin.
Nang aasar ang bruha.
"What the hell/fuck." Sabay sabi ng dalawa na naka tingin sa direction namin ni Vian kaya sabay kaming natawa ni Vian.
"Trust each other dahil dyan kami nasira." Nakangiti na payo ko sa dalawa.
"Trust dyan din kami unting unti nasisiran
ngayon." Biro ni Vian na alam namin nahihirapan siya."Zari get ready." Sigaw ni Mama Kaye mula sa pinto.
Nagpahinga ako ng malalim dahil dun.
"Okay mama Kaye."
Mabilis na kumilos si Vian at Ayi para ayusan si Zian habang ako sariling sikap pag dating sa make up dahil ayokonng may ibang humahawak sa buong ko.
"It's time." Bulong ni Vian.
"Galingan mo ah." Bulong din ni Ayi.
We look at Zian na parang walang pake sa gagawin namin na briefing naman na namin siya at hindi daw niya ako ipapahiya.
Sana lang anak baka pag nakita mo ang daddy mo e Iwan mo ako sa stage.
--
🏹
YOU ARE READING
MIDNIGHT CRY
RomanceI'm Zarina Louisiana Reyes your nightmare dress like a daydream.