Chapter 29

54 6 4
                                    

Zari POV



Dior Week (pt2)

--



Busy na ang lahat kami ni Zian ang pinakahuli na lalabas para sa grand finale. Kinakabahan ako di dahil sa mga taong nakakapanood sakin kung di sa reaksyon ng mga tao para sa anak ko.





Abala naman si Vian at Ayi para ayusan si Zian dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Ayoko ko kasi na iba ang nag ayos sakin gusto ko maging natural lang para makita ng iba ang totoo ako.




"Relax." Sabi ni Jake sa bandang gilid ko.





Napatingin ako sa kanya.




"Okay lang naman ako pero si Zian kasi ang inaalala ko baka mapahinto pag nakita ang Daddy niya." Sagot ko.





"Hayaan muna nang makita ni Thyro yung sinayang niya nang tatlong taon. Anyway birthday na pala ng kambal." Singit ni Vian.







"Anong plano mo." Tanong naman ni Ayi.





"Pag iisipan ko pa sa ngayon gusto ko muna matapos itong gabi na to. Kabado ako e." Bulong ko.






Natawa na lang sila dahil sa sinabi ko.





"Wag ngayon Zari nasa labas na ang mga taong mahal na mahal ka." Sabi bigla ni Mama Kaye.






Phew.





"Get ready finale na ang susunod."





Mauunang lalabas si Zian at matinding payo ang bilin ni Vian sa kanya.






"Walk straight don't even look at the audiences okay." Bilin ni Vian.





"Be hot on the stage." Dagdag ni Jake.







"And don't try to smile. Di ko ibigay yung gift ko sayo." Sabi naman ni Ayi.






"Oh my goodness Tinang and Tito pogi how could I smile e kayo naman ang makikita ko sa front." Masungit na bulyaw ng bata sa tatlo.







Di ko napigilan na matawa.





"Listen to them baby. Para di ka ma distract atsaka susunod naman si Mama sayo e."




-+




"And now let's welcome the Broadway Queen.. from a simple lady to a lovely wife and a mother... to LV and Channel grand finale walk and now a new grand finale of Dior.. Miss Zarina Louisiana Reyes." Napatingin ako sa Emcee it's Vian and Ayi.





Sa bandang gilid naman panay palakpak naman si Zian at Jake.





"Wearing her own design.. a ash grey evening gown take note people she also did her own make up and hair what a talented woman we have here." Dagdag naman ni Ayi.




Gusto kong manapak ng kaibigan na sobrang talented ang bibig.





"Walk."






Halos di ako makagalaw dahil sa boses na yun. It's been a years since I heard that voice.




Napatingin ako sa bandang kaliwa ko kung nasaan si Vian at Ayi pero ibang tao na ang may hawak ng mic dun.






"To be fair to the new ambassador of Dior Mr. Thyro Velasquez." Halos mabingi ako dahil sa palakpakan ng mga tao.






Mas lalo ako di maka hinga ng mabuti dahil sa tindi ng kaba.






"Now walk." Malamig na utos niya sakin.






Napahawak ako sa kamay niya parang nawawalan ako ng balance. Shit.






We walk together as the audiences keep clapping there hands for us. This is one of my dreams.





Yung maglakad sa Broadway kasama ang taong di pinaramdam sakin na wala akong mararating dahil sa modelling.






Parang may Persian cat sa loob tyan ko dahil sa tibok ng puso ko. I look at Zian sa reaction niya alam kong kilala na niya ang lalaking hawak ako sa bandang bewang.






Pero ang loko na bata naka fierce look pa rin habang nakatingin samin ng daddy niya. Panay naman bulong si Vian at Ayi sa kanya.






Mabilis na bumitaw ang mga kamay ni Thyro sakin nang marating namin ang backstage. Bigla akong nasaktan dahil dun.







"Last set na Zari mag bihis ka na dun." Sabi ni Mama Kaye.





Tumango ako at tumalikod agad dahil wala na rin naman si Thyro sa tabi ko.






Napahawak ako sa bandang puso ko dahil dun. Sobra ko bang nasaktan ang asawa ko.






Mabilis naman na tinabihan ako ni Mama Kaye.







"It's okay after this makakausap mo na siya ng mabuti." Bulong nito sakin.







"I like to wear my red dress." Sabi ko at mabilis na pumasok sa dressing room.





--
🏹



MIDNIGHT CRY Where stories live. Discover now