Chapter 1

6.2K 153 25
                                    

Chapter 1

Vince' POV

-

"ASSASSIN?!" Napatakip ako ng tainga ko nang dahil sa sigaw nila, kasabay no'n ang—

"Wahahahaha!" malakas na tawa ni Yul.

"Pfft! Hahahaha! Gago ka tol!" sigaw ni Patrick.

"Assassin daw! Hahahaha!" natatawang sabi ni Aldrin.

"Hahaha! Komedyante ka na!" Sabi ni Geraldine.

—malakas na pagtawa nila.


Sinabi ko kasi sakanila na pangarap kong maging assassin balang-araw, kaya nga lang—

"Clumsy ka." si Yul.

"Bobo ka sa daan." panglalait ni Patrick

"Pfft! Hindi bagay sa'yo. Haha!" sabi ni Aldrin.

'Yan. Sila na nagsabi.

Ako nga pala si Vince Lee Reyes, nangangarap maging assassin balang-araw at malabong mangyari 'yun. Sabi nga nila suntok sa buwan ang gusto kong mangyari, pero masisisi n'yo ba ko?!

"Grabe naman kayong magsilata. At least nga s'ya may pangarap sa buhay. Eh kayo?" sabi ni Aira.

Hayy. Buti pa si Aira. Sa magba-barkada, s'ya 'yung lagi kong tagapagtanggol. Ginusto n'ya 'yan eh.

"May pangarap din naman kami!" sigaw ni Yul.

"Oo nga! Ang point lang naman namin eh, malabong mangyari 'yung gusto ni Vince," sabi naman ni Patrick.

"Pfft! Kung ako sa'yo. Mag-pari ka na lang! Haha!" natatawa namang sabi ni Aldrin

"Mag-pari pala huh?" Kumuha ako ng bottled water at ibinato kay Aldrin. "Makalayas na nga dito!" sabi ko sabay alis sa cafeteria habang nagtatawanan sila at dumiretso na 'ko sa room ko.

~*~

"'Wag mo na lang pansinin si Aldrin." Sabi ni Aira. "Wala lang 'yun magawa sa buhay nila." Psh! Walang magawa? Paglinisin ko sila ng bahay namin nang may magawa sila.

Mayamaya pa, dumating na ang prof namin kasunod ng isang babae kaya umayos na kami ng upo.


"Whoa." Lahat ng lalaki, napanganga dahil sa ka-sexy-han at sa ganda nung babae.

"Si prof may chix!"

"Wow prof! Lakas ng karisma natin ah!"

"Akin na lang 'yan pr—"

"QUIET!!" Sigaw ni prof. basta ako... nganga. At syet! Totoo ba 'to?! Nakatingin sa'kin 'yung babae?!

*gulp*

Napalunok ako nang mag-smirk 'yung babae. Tangna! Nakakatunaw 'yung mga titig n'ya!

"Tch." Napatingin ako kay Aira nang bigla s'yang mag 'tch.'

"Anong problema mo?" Tanong ko sakanya.

"Masyadong agaw atensyon 'yung girl. Akala mo naman kagandahan eh mukha naman s'yang pinaglihi sa sama ng loob. Tignan mo oh! Mukha s'yang mataray. Lahat ng lalaki nasakanya ang atensyon. 'Di hamak na mas maganda naman ako d'yan 'no!"

"Oo na lang. Haha!" Kung ako ang tatanungin n'yo, tama ang sinabi ni Aira maliban sa last sentence n'ya. Mukha ngang mataray 'yung babae pero maganda naman s'ya.

"Okay class, before we start our discussion, I would like to welcome our new student here," Sabi ni prof. "Ija, introduce yourself."

"Clarisse Baek. Pwede nang maupo?" Napanganga kami dahil sa inasal ni Clarisse.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon