@dyosamarie HAPPY HAPPY BIRTHDAAAAAY!! Haha! Paka-saya ka d'yan huh? Tirhan mo ko ng spaghetti. Char! ^^
Enjoy reading :D
Vince' POV
"Woooo! Mag-bar tayo mga wengya!" sigaw ni Aldrin.
" Oo tara!" pagsang-yon naman ni Patrick.
"Tara. Gusto kong magpaka-lasing!" Sabi ko. Nakakainis naman! Hindi na sila naawa sa'kin. Bakit ba lagi na lang ako nagze-zero sa exam?!
"Pasang-awa ako! Wooooh!" Masayang sabi ni Aldrin habang winawagayway n'ya ang dalawang kamay n'ya sa ere.
Kumuha ako ng bottled water at agad kong binato iyon sa pagmumukha ni Aldrin. Nyeta! Kakaasar eh!
"Aray ko!" Singhal ni Aldrin.
"Pfft. Badtrip siguro. Haha! Zero ka na naman 'no?" Natatawa-tawang tanong sa'kin ni Patrick. Isang maliit na tango lang ang sinagot ko sakanila at malakas na pagtawa lang ang nasagot nila sa'kin. Syet naman! Kanino ko ba namana ang kabobohang taglay ko?!
"Gago! Bakit? Ikaw? Ilan ka?" Tanong ko kay Patrick.
"Isa lang ako pare. Hahaha!" Sabi n'ya at nagtawanan na naman sila. Kapag ako, na-perfect ang exam. Hu U sila sa'kin!
"Ayan na si Clarisse." Napalingon kaming tatlo kay Clarisse na papalapit sa'min habang seryosong nakatingin sa result ng exam n'ya. Kahapon lang s'ya nag take ng exam n'ya dahil absent s'ya ng dalawang araw.
"Sexy talaga n'ya." Bulong ni Patrick na narinig ko naman. Napatingin ako sa katawan ni Clarisse.
Napaka-sexy n'ya talaga. Para s'yang model kung maglakad. Boobs... butt... parang bote ang ang katawan n'ya. Nyeta! kaka-inlab!
"Ehem."
*pak*
"Ay gago!"
"Minumura mo 'ko?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Clarisse na nasa unahan ko na pala.
"H-haha. Hindi 'no!" Sabi ko habang winawagayway ang kamay ko sa ere. "Si Patrick ang minumura ko. Hoy! Bakit ka nambabatok? Huh?"
"Pfft. Minamanyak mo na si Clarisse eh! Haha!"
"Hindi ah--ARAY!"
"Mina-maniac mo 'ko?" Tanong ni Clarisse habang pinipingot n'ya ang tainga ko. Syet naman oo! Mas masakit pa s'yang mamingot kesa kay auntie eh!
"H-hindi! Aray! Masakit!" Umaaray-aray na sabi ko at agad naman n'yang binitiwan ang tainga ko. Syet! Ang sakit.
Umupo si Clarisse sa isang bakanteng upuan. Apat pa lang kaming nandito. 'Yung tatlo naman kinukuha pa ang result ng exam nila.
"Ilan ka Clarisse?!" Tanong ni Aldrin.
"Pfft. Isa lang s'ya pare. Haha!" pambara ni Patrick.
"Last mo na 'yan." Sabi ko.
"Pwe! Mga wala lang kasi kayong sense of humor!" Sigaw ni Patrick.
"Bakit? Ikaw? May sense of humor ka ba?" tanong ni Aldrin.
"Oo naman!" Sagot ni Patrick.
"Sige nga. Patawanin mo nga si Clarisse!" Hamon ni Aldrin. Sabay-sabay kaming napalingon kay Clarisse na ngayon ay naka-poker face sa'ming lahat.
"Oh. Patawanin mo na!" Utos ni Aldrin.
"Wait. Ahh. Ehem. Ehem. Clarisse, tao ka ba?"
"Why?" Walang ganang sagot ni Clarisse. Syet! Kapag ito labalastugaan lang. Hihilahin ko pababa ang Patrick na 'to.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend [COMPLETED]
HumorHighest Rank: #21 in Humor My Assassin Girlfriend (BOOK 1:) Samahan si Vince Lee Reyes at Clarisse Baek sa magulo nilang love story...