Chapter 15

3.2K 74 1
                                    

Chapter 15

Clarisse' POV

Naunang paputukan ako ni Liana na barilin pero agad kong nailagan. Pinaputukan ko rin siya ng baril pero nagulat ako na wala palang bala iyon.

Tinawanan lang ako ng impakta kaya't hinagis ko iyon saka siya sinugod.

Naka isang sapak ako sa kanya at nahulog ang baril na hawak niya.

"Clarisse! Tama na 'yan!" sigaw ni Vince na umiiyak na sa isang sulok.

"Shina, my nephew. Shina. Shina Hamilton," nakangising banggit ng impakta.

"Not your nephew," ganti ko naman sa kanya saka ko ito sinipa sa mukha na ikinatumba naman niya.

Pumatong ako sa kanya sa kanya at sinapak ito kaliwa't kanan pero sinabunutan niya ako ng sobrang sakit na akala mo kakalbuhin na ako.

Sa sobrang sakit, hindi ko na natuloy ang pagsapak ko sa mukha ng babaeng 'to kaya't napailalim ako sa kanya.

Hindi lang ako sinabunutan ng babaeng 'yon at pinagsasasapak na rin ako saka niya iniuntog ang ulo ko sa sahig.

"AUNTIE! TAMA NA 'YAN!" narinig kong sigaw ni Vince at tinulak niya si Liana sa ibabaw ko.

Sumakit ang ulo ko sa ginawa ng impaktang 'yon nang maaninag ko ang baril na nabitawan niya kanina.

"Ano ba Vince! Hayaan mo kong gawin to dahil kapag hindi ko yun ginawa, ikaw ang papatayin  niya!"

"Hindi totoo 'yan Auntie! Tumigil na kayo!"

Kahit nahihirapan ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, nakuha ko naman 'yung baril.

"Ikaw ang tumigil, Vince!"

"Auntie--" naputol ang drama nilang dalawa nang iputok ko ang baril sa puso ni Liana.

Unti-unti itong bumagsak sa lupa nang biglang dumating si Melissa at si Jax.

"Ubos na pala sila," sabi ni Melissa.

--

"AUNTIE!" naiiyak na sigaw ni Vince habang nandito kami sa burol ni Liana.

Ako nandito. Nakaupo sa may gilid habang may benda ang ulo ko. Si Jax na ang naglagay nito sa ulo ko dahil ayoko nang magpa-hospital pa.

"Good job," nag-angat ako ng ulo, nakita ko si Mr. Lopez at nakangiti ito.

Tumayo ako at nakipagkamay siya sa 'kin. "Niligtas mo ang anak ko," sabi nito sa akin na ikinagulat ko.

"Anak?"

"Si Vince, my son," nakangiti nitong sabi na lalo ko pang ikinagulat.

Hindi ako makapaniwala na anak pala ni Mr. Lopez si Vince. Kaya pala gusto niyang pabantayan 'yun sa 'kin.

"Son?" nagulat kaming dalawa nang biglang sumulpot si Vince sa harapan namin. "Ikaw ba tatay ko?" tanong pa nito.

Maraang tumango lamang si Mr. Lopez at pansin ko na babagsak na ang mga luha niya.

Ayoko ng drama.

"Oo Vince, anak.." tawag nito ngunit imbis na yakapin ni Vince si Mr. Lopez, tumakbo lamang ito palabas ng funeral parlor.

"Galit pa ba siya sa 'kin?" tanong nito.

"Halata naman siguro. Hindi mo naman siya masisisi kung galit ngayon sa 'yo ang anak mo," sabi ko sa kanya at lumabas na din ito ng funeral parlor at sa tingin ko ay susundan niya si Vince.

Lumapit ako sa kabaong ni Liana at pinagmasdan ang mukha niya.

"'Wag kang mag-alala, tanggap na tanggap ka sa impyerno," bulong ko dito at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha ko.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon