Chapter 13

2.8K 68 1
                                    

Chapter 13

Clarisse' POV

~*~

Flashback

"Mommy! Daddy!" sigaw ko at agad-agad naman silang pumunta sa kwarto ko. Yakap ko ang paborito kong teddy bear na bigay nila sa 'kin dati.

"Ano 'yon anak?" Nag-aalalang tanong nila.

"Hihi, p'wede po bang dito kayo sa tabi ko matulog?" tanong ko. Nagtinginan si mommy at daddy kaya nagpa-cute ako sa harap nila. "Please?"

Natawa si daddy. "Oo naman!"

"Bakit kasi ang cute ng baby ko?" gigil na tanong ni mommy saka niya 'ko niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Mommyyyy!"

"Oy! Sali naman akooo!" sigaw ni daddy at niyakap niya kami ni mommy ng mahigpit na mahigpit.

END OF FLASHBACK

Nakaharap ako sa salamin habang hawak ko ang baril ko.

Hinding-hindi ko talaga magagawang patawarin ang kawalanghiyaang ginawa sa 'kin ng mga Walter at sa pamilya ko!

Kung matagal na sana naming inubos ang lahi nila e 'di sana hanggang  ngayon, may masayang pamilya pa 'ko.

Binaba ko ang baril na hawak ko at kinuha ko ang picture naming tatlo ni mommy at daddy.

"Miss na miss ko na kayo," naiiyak na sabi ko. "Maghihiganti ako. Hindi ako papayag na apak-apakan lang tayo ng mga Walter! Ako mismo ang magbibigay hustisya sa pagpatay nila sa inyo at ako mismo ang papatay sa lahi nila!" mariing sigaw ko at hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Binaba ko ang picture nila. Kinuha ko ang knife na binigay saakin ni daddy noon at humarap ako sa salamin.

"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa pamilya ko!" naiiyak kong sigaw at binasag ko ang salamin gamit ang knife.

"Daddy.. Mommy.."

Vince' POV

~*~

Nasa sala ako habang nakaharap sa human size mirror at tinitignan kung bagay ba sa 'kin ang suot kong coat.

Nagpo-pose pa ako sa harap ng salamin at feeling magaling na model. Ito na lang kaya ang trabaho ko pagka-graduate ko?

Madali lang naman magmodel. Sikat ka pa!

Magpo-pose ka lang naman, haha! Bakit? Gwapo naman ako. Maganda katawan ko at may tangkd naman ako. Oh di ba? Model.

Habang nagpo-pose ako ng kung ano-ano, nakita ko sa salamin na lalabas ng pinto si auntie habang bihis na bihis.

"Auntie! Sa'n punta mo?" tanong ko at bigla siyang natigilan.

"S-sa auntie Divine mo. I-ipagdadasal namin ang uncle mo," sabi niya at lumabas na ng pinto.

Death anniversary ni uncle ngayon kaya kanina ko pa siya hindi makausap ng matino. Sana lagi na lang siyang ganto 'no? Para 'di niya na ko napapagalitan lagi, hehe.

Nagkibit-balikat na lang ako. Nagpalipas lang ako ng oras saka ako lumabas ng bahay para pumunta dun sa event na sinasabi ni Auntie.

Bakit ba ko pumayag? Hayy.. ano bang alam ko sa business ni Uncle?! Pero hayaan na! Ngayon lang naman. Marami naman akong makikitang chix dun, hehe.

~

Pagdating ko sa venue.. "Whoa.." 'Yan lang ang naging reaksyon ko. Taena! Sobrang bongga!

Lahat 'ata ng makita ko kumikinang. Teka. Nagkamali 'ata ako ng pinuntahan ah?

Aalis na sana ako kaya nga lang biglang may lumapit sa 'king babae na may dalang folder.

"Name niyo po, sir?" tanong niya.

"Vince Lee Reyes, hehe. Bakit?"

Tinignan niya 'yong dala niyang folder na para bang may hinahanap siyang kung ano. Huh? Ano hahanapiin niya diyan e puro papel lang naman ang nakalagay diyan?

Sisilip sana ako sa folder nang bigla niya 'yong sinara. Akala ko naghahanap siya do'n ng forever e, hehe.

"Pasok na po kayo, sir," nakangiti niyang sabi. Teka? Ano ginawa niya?

Nilagpasan niya lang ako at sinalubong niya 'yong ibang mga dumadalo sa event. Baliw ba 'yon? Pero hindi naman siya mukhang baliw.

Napailing na lang ako at pumasok na sa loob.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda. Taena! Sayang! Dapat pala niyaya ko si Clarisse dito 'no?

Sobrang ganda sa loob at an'daming taong susyal! Karamihan sa babae, mga naka-itim at nakamaskara.

Hala! Wala namang sinabi sa 'kin si Auntie na magmamaskara pala! Saka.. mukha ba 'tong pang business?

"Attention please?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Pumunta ako do'n sa gilid dahil malamang, wala akong makikitang kakilala dito.

Related 'to sa business ni uncle pero bakit ako lang ang pinapunta ni auntie? Nakakapagtaka naman 'ata 'yon 'no!

Teka.. ba't ngayon ko lang 'to naisip?

"The event will start after 5 minutes. Thank you."

Para akong tangang nakatayo dito sa may gilid at walang kausap. May dumating na waiter kaya kumuha ako ng wine.

Aba! Sayang naman 'no!

Habang umiinom ako ng wine, nagulat ako nang biglang may bumunggo sa 'king babae.

" Oh my gash! Sorry!" sabi niya.

Naka-long gown siya at kitang-kita ko ang ka sexy-han niya lalo na't naka backless pa siya.

"O-okay lang," sabi ko at nagulat ako nang bigla siyang natigilan.

"You look familiar," sabi niya at tinanggal niya ang maskara niya. "Parang nakita na kita somewhere e," dagdag pa niya.

"Huh? Siguro nga nakita ko na 'ko somewhere kasi nag-iisa lang 'tong kagwapuhan ko, hehe!"

"Melissa!" Ay bastos na bata! Nakikipag-usap ako sa sexy'ng babaeng 'to tapos biglang may sisingit?! Syet naman oh!

"Jax? What are you doing here? Nasa'n si Shina?" tanong ni Melissa sa lalaking kasama niya. Aba! Ayon 'yong tawag nung lalaki sa kanya e, hehe.

Tinignan ako ng masama ng lalaki saka niya hinatak 'yong Melissa palayo.

Anu ba 'yan! Akala ko pa naman may makaka-usap na 'ko, huhu.

"1 minute before we start the event," sabi na naman nung lalaking nagsalita kanina. Marunong kami magbasa ng oras 'no!

Nag-count down pa 'yong mga tao nang mag 30 seconds na at kasabay n'on ang pagpatay ng mga ilaw at sigawan ng mga tao.

Hindi ko akalaing Halloween party pala ang peg ng event na 'to! Naku!

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon