Chapter 3

4.1K 134 27
                                    


Chapter 3

Vince' POV

"Pagpasensyahan mo na si Aira huh?" Sabi ko kay Clarisse. Pagkatapos kasi nung nangyari sa cafeteria, pumunta kami dito sa garden ng university. Pareho kaming nakaupo sa bench habang kumakain ng ice cream.

"It's okay." Sabi n'ya.

"Pero alam mo, mabait naman s'ya, Pero may pagka-mataray lang talaga. Lalo na kapag inaangkin ng iba ang pagmamay-ari n'ya, kailangan mo nang magtago. Hah! Kahit kaming mga lalaki takot sa babaeng 'yun eh."

"Duwag."

"H-hoy! Hindi ako duwag ah!"

"Duwag ka." Ulit n'ya. Motherf*cker! Hindi lang pala mataray 'to. May pagka-prangka din pala.

"Hindi nga—" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang bigla s'yang magsalita.

"Kaya ko nasabing duwag ka kasi kalalaking mong tao, takot sa babaeng hindi naman dapat katakutan. Hindi porque babae s'ya, kakaya-kayanin na lang n'ya kayong mga lalaki." Dumila muna s'ya sa cookies 'n cream n'yang ice cream bago tumingin sa'kin ng seryoso, "Kaya gano'n ang babaeng 'yon kasi sinanay n'yo s'ya."

Napakunot ako ng noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Sinanay?"

"Oo." Sabi n'ya. Dumila ulit s'ya sa ice cream n'ya at tumingin sa unahan. "Kung hindi n'yo pinakitang takot kayo sakanya, hindi s'ya sana gano'n. Sinanay n'yo s'yang laging gano'n na hindi naman tama."

"Masama kayang pumatol sa mga babae!" Protesta ko. Tama naman ako eh!

"Sinabi ko bang pumatol ka?" Sabi n'ya at dumila ulit s'ya sa ice cream n'ya, "'Wag mo lang s'yang pakitaan ng takot kasi kapag alam ng mga babaeng takot sakanila ang mga lalaki, kakaya-kayanin na lang nila kayo."

Nung nag-digest na sa utak ko ang gma sinabi n'ya, ngumiti ako ng malawak at inakbayan ko s'ya. "Sabihin mo. Pangarap mong mag-DJ 'no?"

Binigyan n'ya ako ng lazer beam kaya tinanggal ko agad ang pagkaka-akbay ko sakanya. "Tss. Hindi mascom ang course natin."

"Pero may future~" Panunukso ko pero hindi naman n'ya pinatulan.

Ewan ko ba! Mukha s'yang boring kasama pero kapag kasama ko naman s'ya, hindi ko mapigilang mapangiti. Gulo diba? Pero ayun 'yung nararamdaman ko eh.

Ikaw ba namang may kasamang ubod ng sexy at ubod ng ganda, hindi ka ba mapapangiti?

"Anyway, ano nga pala ang pangarap mo?" Tanong n'ya habang busy s'ya sa pagkain ng ice cream n'ya.

Napangiti na naman ako ng todo. Kapag na-i-imagine kong may hawak akong baril at pumapatay ng tao, napapangiti ako. Ang saya kaya no'n!


"Mag-assassin!" Proud na sabi ko sakanya.

"Hala!" Nagulat ako nang biglang maubo si Clarisse kaya inabutan ko s'ya ng bottled water at tinapik-tapik ang likod n'ya. "Uy Clarisse. Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

Iwinagayway n'ya ang kanang kamay n'ya na nagsasabin okay lang s'ya. Bakit s'ya naubo? Masarap naman ang cookies 'n cream na ice cream ah?

"ASSASSIN?!" Nagulat ako nang bigla s'yang sumigaw. Bakit ba lahat sila kapag sinasabi kong pangarap kong maging assassin ganyan ang reaction nila? Ano bang mali sa pangarap kong 'yon?!

"Oo! Astig kaya no'n!" Pinagsingkitan n'ya ako ng mata. "B-bakit?"

"Seriously?! Alam mo ba 'yang pinagsasasabi mo?!" Nagulat ako nang bigla n'ya akong sigawan.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon