Chapter 14

2.9K 82 1
                                    

Chapter 14

Vince' POV

Loko naman si Auntie wala naman siyang sinasabi na Halloween style pala 'tong event na 'to! Eh 'di sana nakapag costume man ako.

Puro tilian at hiyawan lang ang naririnig ko at siguro nagsialisan na rin ang iba. Hindi ako aalis dito. Malay mo naman brown out lang o kaya may pasabog 'yung lalaking umuusap kanina.

Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko at ayoko nang pumunta pa kung saan. Baka mamaya makakita pa ako ng multo at patayin pa ko nun.

Habang nakatayo ako, nagulat ako nang may malamig na tumutok sa leeg ko. Hehe ang lamig.

"'Wag kang gagalaw kung ayaw mong masaktan," mahina at maawtoridad na sabi niya at boses babae.

"Anla? Kanina pa nga ako dito hindi gumagalaw e!" sigaw ko.

"'Wag kang maingay, bwisit! Sundin mo na lang ako," sabi niya. Naglakad siya kaya sinundan ko lakad niya saka isa pa, ang sarap nung malamig na bagay na nilagay niya sa leeg ko. Hehe.

Pinaupo niya niya ako sa isang lugar at sa tingin ko umalis na siya kasi nawala na rin yung malamig na bagay sa leeg ko hanggang sa may naririnig akong humihikbi sa tabi ko pero hindi ko siya makita.

"Bakit ka umiiyak? Nasan ka po?" tanong ko.

"Ssshh 'wag kang maingay," sabi nung babae. Anla? siya nga 'tong maingay saka siya yung iyak ng iyak d'yan e.

Nanahimik na lang ako dito at ang daming nagsasabi sa 'kin na 'wag daw akong maingay. Edi 'wag.

Mayamaya pa, biglang bumukas ang ilaw at nagulat ako nang may mga patay na tao sa stage.

Agad na nagtilian ang mga tao saka nagmamadaling lumabas ng event pero hindi sila makalabas.

"Aaaahhhhh!!" napatili ako dahil..dahil.. nakakatakot sila! Malamang, may multo din dito kasi gagala mga kaluluwa nila! Anla! Gusto ko nang lumabaaas!

Hinawi ko yung mga tao, "Palabasin niyo koo!" sigaw ko. Huhu auntie naman e! Bakit pa ba ako pumunta ditoo?

Nakarating ako sa malaking pintuan at kinakalampag ang 'yon. "Ayoko pang mamatay!" naiiyak na sabi ko.

Pano na pangarap kooo? Yung pagiging assassin ko? Huhu.

Habang kinakalampag ko 'yon, nagulat ako nang biglang may humablot sakin na babae. Nakamaskara siya at hawak niya ang braso ko.

"Bakit?!" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at nagulat ako nang bigla niya akong hatakin. "Bitawan mo ko!" sigaw ko pero kahit anong pilit kong kumawala sa kanya, hindi niya ako mabitawan. Ang lakas namang ng babaeng 'to.

Hindi niya ako pinakinggan at pumasok kami sa isang madilim na kwarto at saka siya umalis.

"Hoy! Teka!" sigaw ko pero sinara niya na yung pinto. Tumakbo ako papunta dun pero hindi ko na mabuksan.

Anla?

"Buksan mo 'to!" iniikot-ikot ko yung door knob pero ayaw pa ring mabuksan at habang iniikot ko 'yun, nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw.

"Vince.." nagulat ako biglang may tumawag saking lalake at pagharap ko, nagulat ako ng paputukan niya ako ng baril.

"Aahh!!" wahh! Muntikan na akong matamaan sa hita buti na lang nakaiwas ako. Halaa? Wala naman akong naaalalang may ginawa akong mali para karmahin ng ganto ah? Huhu.

Pero teka? Bakit niya ako kilala?

Pinaputukan niya na naman ako ng baril pero naiwasan ko naman agad. Whoo! Ang galing ko naman po pala.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon