Chapter 4
Kinabukasan...
Vince' POV
"Perez... Quino... Quizon... Ramos..." Syet naman oo! "R" na! Malapit nang tawagin ang surname ko!
Binibigay na kasi ng prof ang results ng quizes kahapon. Waaahh! Kinakabahan ako!
Ayan na! "Reyes..." Syet! Kinakabahan talaga ako sa results. Hindi pa naman ako nakapag-review dahil sa kapapanood ng Assassins Bakit kaya ang astig panoorin ng mga assassin na babae? "REYES!"
"Opo." Dahan-dahan akong pumunta sa front desk para kunin ang results na hawak ng prof. Nung makita ko ang results...
"BAGSAK KA NA NAMAN, REYES!" Tangina naman oo! Narinig ko ang malakas na pagtawa ng mga ka-block ko dahil sa failed ako sa quiz. "I need your guardian tomorrow!"
"Okay." Nakatungong sabi ko. Nakatungo pa rin ako hanggang sa makaupo ako sa upuan ko. Nakakainis naman! paniguradung pipingutin na naman ako ni auntie nito!
"Anong score mo?" Bulong sa'kin ni Aira.
"Zero..."
"Hindi na naman bago sa'yo 'yan. Haha!" Psh! Oo hindi na nga bago sa'kin 'yun pero magre-review naman talaga dapat ako eh! Pero masisisi n'yo ba ako kung mas pinili kong manood ng Assassins? Ang astig kaya ni Juliann Moore
'Yung tungkol nga pala kahapon sa pagsigaw ko kay Aira sa cafeteria, nakahingi na ako ng sorry sakanya. Tinanggap naman n'ya agad kaya back to normal na ulit kami.
Sa kalagitnaan ng pagtatawag ni prof. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Clarisse. "Sorry. I'm late." Sabi n'ya.
Naku! Patay kang Clarisse ka! Ayaw pa naman ni prof ng mga late.
"It's okay Miss Baek." Nanlaki ang mga mata naming lahat ng sabihin ni prof na okay lang iyon.
Naalala ko tuloy nung isang beses akong na-late, dinala agad ako sa detention room at 5 hours ako do'n tapos sakanya okay lang? Hanep!
"Come here, miss Baek." Halatang naguguluhan si Clarisse pero lumapit pa rin s'ya sa prof na todo kung makangiti sakanya. "Listen class. Clarisse Baek got a perfect score!"
'Eh?! Pa'no nangyari 'yon eh lagi s'yang tulog?'
Ang galing naman!'
'Matulog na nga rin ako para makakuha din ako ng perfect score!'
Whoa! Anggaling naman n'ya! Never s'yang nakinig sa klase pero s'ya pa ang nakakuha ng perfect score? Matalinong bata.
"Congratulations." Masayang inabot ng professor ang result ni Clarisse pero s'ya, wala man lang ka-rea-reaksyon na pumunta sa upuan n'ya at natulog.
"Pa'no nangyari 'yon?" Bulong ni Aira.
"Ewan ko. Grabe. Ang talino n'ya 'no?"
"Psh. Pabida na naman." Hindi ko na lang pinansin si Aira. Ang problema ko, 'yung result ko! magmamala-Nobita na naman ako nito mamaya. Syet lang!
Sana nga kasing talino na lang ako ni Clarisse. Kahit lagi s'yang tulog at bago pa lang s'ya dito, naka-perfect na agad s'ya. Pero ako... zero.
Pa'no n'ya kaya nagawa 'yun?
"Thompson." Tawag ng prof kay Aira. Ngiting-ngiti s'yang pumunta kay prof. "Congratulations, you've got a perfect score too."
"Maraming salamat!" Nagpalakpakan ang mga tao at masayang-masaya s'yang bumalik sa upuan.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend [COMPLETED]
HumorHighest Rank: #21 in Humor My Assassin Girlfriend (BOOK 1:) Samahan si Vince Lee Reyes at Clarisse Baek sa magulo nilang love story...