Chapter 10
Aira's POV
"Yes! Pasado na naman!" Masayang sabi ko habang nakangiting sinusuri ang result ng exam ko. Habang naglalaqkad ako papuntang locker room, nagulat ako nang biglang may umakbay sa'kin.
"Saya natin ah?" Sabi ni Yul. Bakit kaya kapag ako lang ang kasama n'ya sobrang saya n'ya?
"Oo naman! Highest ako eh! Kaya nga lang..."Pareho kaming dalawa ni Clarisse na highest. Like errrrr! paano magiging highest 'yon, e laging tulog 'yon?!
Tinanggal ni Yul ang pagkakaakbay n'ya sa'kin at inabutan ako ng isang coke-in-can. "Thanks," Sabi ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Mabagal lang, parang naglalakad lang kami sa buwan. Habang naglalakad kami, biglang may katanungang nag pop-up sa utak ko.
"Yul..."
"Hmmm?"
"Tanong ko lang," Panimula ko. Tumigil kami sa paglalakad at tumingin s'ya sa'kin habang hindi nawawala ang ngiti sa labi n'ya. "Bakit wala ka pang girlfriend?" Tanong ko sa kanya at unti-unting nawala ang ngiti n'ya.
"Tss." Sabi n'ya at nauna nang maglakad. Sa magbabarkada kasi, s'ya lang at si Vince ang wala pang pinapakilalang girlfriend. Kung kay Vince, okay lang kasi kami ang para sa isa't isa. Pero si Yul? Wala talaga.
"Oy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ko sakanya tsaka ko s'ya hinabol. Nang mahabol ko s'ya, agad akong sumampa sa likod n'ya.
"Aira! Ano ba?!" Sigaw n'ya habang pinipilit n'ya akong pababain sa likod n'ya pero hindi n'ya magawa dahil mahigpit akong nakakapit sakanya.
"Hindi ako bababa dito hangga't hindi mo sinasabi sa'kin, kung bakit wala ka pang girlfriend hanggang ngayon!" Sabi ko sakanya habang sinasabunutan s'ya gamit ang kanang kamay ko. "Sabihin mo na!"
"Aray ko, Aira! Aray--- Oo na, oo na!" Pagsuko n'ya. Agad naman akong bumaba sa pagkakasampa ko sa kanya at ngumiti ako. Ngiting tagumpay.
"'Wag mong idadahilan sa'kin na bakla ka huh?" Pang-asar ko sa kanya.
"Tangina! Bahala ka nga d'yan!" Ay, pikon. Aalis na sana ulit s'ya pero hinawakan ko ang matipuno n'yang braso. Pero mas matino pa rin si Vince, para sa'kin.
"Ang usapan ay usapan. Kung hindi ka magsasalita, ipagsisigawan ko sa mundo na bakla ka." Pambabantang sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at umayos ng tayo sa harap ko. Binitawan ko na ang braso n'ya habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Ang kulit mo."
"Sabihin mo na kasi!"
Nagbuntong hininga ulit s'ya at tumingin sa kawalan, "May gusto akong isang babae. Mataray, maganda, matalino, 'yun nga lang manhid." Narinig ko ang mapait na pagtawa n'ya at nagpatuloy ulit s'ya sa pagsasalita.
"Mahal ko na s'ya, dati pa. Mahal na mahal... kaya nga lang, mahal n'ya ang kaibigan ko." Malungkot na sabi n'ya at nagulat ako nang bigla n'ya akong tignan sa mata.
"Yul..." Tawag ko sa kanya pero hindi n'ya pa rin inaalis ang mga titig n'ya sa mga mata ko. Naiilang man ako at parang gusto ko nang mag-iwas ng tingin pero kasi... parang... parang nakakahinayang naman. Para bang... ah basta! Hindi ko ma-explain. Pero isa lang ang nasisiguro ko...
Nasasaktan si Yul ngayon..
"Aira! Yul!" Bigla kaming napa-iwas ng tingin ni Yul sa isa't isa nang biglang dumating si Geraldine. "Nandito lang pala kayo." Hinihingal-hingal na sabi n'ya habang nasa dalawang tuhod n'ya ang mga kamay n'ya.
"Oh." Inabot ko sa kanya 'yung coke-in-can na binigay sa'kin ni Yul.
"Aaaah~! Salamat." Sabi n'ya matapos n'yang inumin ang coke.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend [COMPLETED]
HumorHighest Rank: #21 in Humor My Assassin Girlfriend (BOOK 1:) Samahan si Vince Lee Reyes at Clarisse Baek sa magulo nilang love story...