Chapter 11

2.8K 89 11
                                    

STOP! Wait a minute! Hi Ka-assassiiiiiiiin! Waaah! Ngayon n a lang ulit ako nakapag-UD! After 23? 24 days? T^T Nakaka-dalawang buwan na 'tong story na 'to pero nasa chapter 11 pa lang ako. TT^TT O s'ya! Hindi ko na 'to hahabaan at mag-U-UD pa ako sa isa ko pang story. Ajujuju..

Chapter 11

Yul's POV

"When tomorrow comes! I'll be on my own! Feeling frightened of~ The feelings that I don't know!" Sigaw ni Vince. Hindi ko alam kung sigaw o pa-kanta ang ginagawa n'ya.

"Vince. Tama na," Kanina pa pilit inaagaw ni Aira ang boteng hawak ni Vince pero nagpupumiglas ito. Gusto n'ya na ring iuwi si Vince e. Kaya nga lang . . .

"'Wag mo ngang pigilan si Vince," Kalmado pero nakakatakot na sabi ni Shina--mas kilala pala s'ya biglang Clarisse.

"Tss," Apat na lang kaming nandito. 'Yung tatlo umuwi na dahil masyadong malakas na ang tama. "Vince naman eh," Malungkot na sabi ni Aira habang pinagmamasdan n'ya si Vince na ngayon ay umiinom habang kumakanta.

"When tomorrow comes! Tomorrow comes! Tomorrow~ comes!"

Kanina ko pa pinagmamasdan si Aira habang nag-aalala itong nakatingin kay Vince na lagok na lagok ng alak. Hindi naman n'ya ito maawat dahil laging kumokontra ang demonyo.

Naiisip ko na sana ako na lang si Vince. At least kay Vince, marunong s'yang mag-alala, mas napapansin n'ya si Vince, at higit sa lahat . . . mahal n'ya si Vince. Maraming nagsasabi na, "Life is fair," pero sa tingin ko, mali sila. Kung fair ang buhay natin, bakit hindi man lang masuklian ang pagmamahal ko? Bakit may masaya at nasasaktan? Bakit ang iba, mahal ng taong mahal nila? Pero ako . . . hindi? Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot.

"Ang though the road is long! I look up to the sky! And the dark I found! I stop and I won't fly! And I sing along! I sing along! Then I sing along!"

"Vince, tama na 'yan!"

"I got all I need when I got you and I!"

Kitang-kita ko sa mga mata ni Aira kung papaano s'ya mag-alala kay Vince na kahit kailan, hindi ko pa naramdaman mula sa kan'ya. Bakit kasi si Vince pa? Hindi n'ya ba alam na ako ang laging nasa tabi n'ya? Dumadamay? Umiintindi? Nagmamalasakit? Nagmamahal? Nasasaktan?

Hindi ko na kaya 'to . . .

Hindi ko na kayang lagi na lang si Vince ang napapansin n'ya . . .

Dapat ako naman!

Sawang-sawa na ako na laging nakamasid lang at nasasaktan . . .

Tama na ang kay Vince!

Simula ngayon, sisiguraduhin kong hindi na ako masasaktan, dahil gagawin ko na ang lahat para mawala sa landas ko ang Vince na 'yan!

At simula ngayon, hinding-hindi ko na s'ya ituturin' pang kaibigan!

"Hamilton," Nagbalik ako sa wisyo ko nang biglang tumabi sa'kin ang demonyo. Tss. Isa pa 'to e! Isa pa 'tong babaeng 'to ang gusto kong mawala sa landas ko.

"Hindi ako Hamilton," Mariing sabi ko sa kan'ya. Matteo Yul Alfarez lang ang gamit kong pangalan, at kahit sabihin pa ng babaeng 'to na isa akong Hamilton, wala akong pakielam doon dahil wala namang maniniwala sa kan'ya.

"Psh. Whatever," Sabi n'ya sabay irap. Tss. Ayan ang ayaw ko sa mga babae, mga nang-iirap. Pero kapag si Aira na ang gumawa, iba ang dating sa'kin. Hayy, Aira!

Lumagok ako ng alak nang magsalita ulit ang demonyo, "Ano na nararamdaman mo? Lumabas na ba ang dugong Hamilton mo?"

"Tigilan mo nga ako," Walang emosyong sabi ko sa kan'ya dahil wala akong panahong makipag-usap sa kan'ya.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon