Chapter 12

3.1K 83 5
                                    

BABALA Asawa ni . . . BABALU XD

TYPOS EVRYWHERE!!

Chapter 12

Vince' POV

"Aray!" Pagbangon na pagbangon ko, bigla kong naramdaman ang matinding sakit ng ulo. Hala! Anong nangyari sa'kin?!

"Oh! Mabuti nama't gising ka ng bata ka!" Bigla akong kinilabutan sa boses na 'yon. Sㅡsi auntie!

Pumasok si auntie ng kwarto ko na may dalang maliit na planggana at towel. Tㅡteka . . . kwarto ko?!

Napausod ako ng kaunti ng umupo si auntie sa kama ko.

"Braso,"

"Po?" Takhang tanong ko. Aanhin naman ni auntie ang braso ko e, meron naman s'yang sariling braso?

"Amina 'yang braso mo!"

"E! Ayoko nga!"

"Ikaw talagang bata ka!" Nagulat ako nang hatakin ni auntie ang braso ko. Aaaaah! Ang salit nu'n ah!

Napapikit ako dahil sa biglang ginawa ni auntie. Anla! Baka kung anong gawin ni auntie sa braso kooo!

Habang nakapikit ako at takot na takot, bigla kong naramdaman ang malamig na bagay na pinapahid sa braso ko. Waaaah! Ang sarap sa pakiramdam! Unti-unti kong minulat  ang mga mata ko, pagtingin ko, muntik na akong mapamura dahil pinupunasan pala ni auntie ang braso ko habang nakangiti.

Anla! Baliw na 'ata 'tung si auntie!

Magsasalita na sana ako na dadalhin ko s'ya sa mental nang bigla s'yang magsalita, "Hindi mo naman sinabi na may girlfriend na pala ang pamangkin ko," Masayang sabi n'ya.

"Po?" Inismiran lang ako ni auntie. Tumigil s'ya sa ginagawa n'ya sa braso ko at tumingin sa'kin.

"Angganda ng girlfriend mo. Bagay na bagay kayo,"

"Po?ㅡAray!" Napangiwi ako,nang bigla akong batukan ni auntie.

"'Wag kang magulo!" Galit na sigaw ni auntie at maya-maya pa, biglang lumambot ang expression ng mukha n'ya, "Ang sweet ng girlfriend mo nephew. Biruin mo, kababae n'yang tao pero s'ya pa ang naghatid sa'yo dito pauwi? Ano nga ba ulit pangalan nu'n?"

"Si Aira po ba? Ay! Auntie, hindi ko poㅡ"

"Hindi s'ya! Chesca 'ata pangalan. Ay hindi! Cla-clarisse? Tama! Clarisse nga!" Pagkasabi nu'n ni auntie, biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Si Clarisse?!"

"Oh? Ba't gan'yan ka maka-react? Sweet n'yo nga e," Kwento lang ng kwento si auntie tungkol sa paghatid sa'kin dito ni Clarisse nang bigla kong maalala kung bakit nga ba ako naglasing kagabi.

FLASHBACK

"Pasunod na raw si Yul." Sabi ni Patrick.

"Sige lang," Susundan ko na sana 'yung dalawa sa loob kaya nga lang hinawakan ni Patrick ang braso ko, "Oh? 'Wag kang magpalibre. Wala akong pera."

"Wengya pare, hindi 'yun." Sabi n'ya sabay bitaw sa braso ko.

"Ano ba 'yun?" Tanong ko sa kan'ya. Nagtatakha naman ako kung bakit s'ya nanginginig e, hindi naman malamig dito sa pilipinas.

"Sabihin mo na nga. Daming arte," Nababagot na sabi ko sa kan'ya. Maya-maya pa, kumapit s'ya sa magkabilang braso ko. 'Wag mong sabihing nababakla na sa'kin 'to?

"Tulungan mo naman ako o . . ."

"Saan? Sa accounting? 'Wag na. Kay Aira ka na langㅡ"

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon