Chapter 6
Vince' POV
Umupo na kaming dalawa ni Clarisse sa battle gear at hinulog na namin ang token bago pindutin ang start button.
Nang matapos na mag-load, pumili na kaming dalawa ng sasakyan namin. Ford na black ang akin, toyota naman na red ang kay Clarisse. Pagka-pili namin ng sasakyan, sabay ulit naming pinindot ang start button.
"One... Two... Three... GO!"
Nagsimula na ang karera. 'Ni isa sa'min, halatang walang gustong magpatalo. S'yempre, ayoko ding matalo ano! Lalo na ng isang babae!
Seryoso kaming nakatingin screen at mahigpit ang hawak ko sa manebela pero nahapig ng peripheral vision ko na chill na chill lang si Clarisse na nagmamaneho.
'Shit! Paano n'ya napapanatiling kalmado lang?!'
Nang dahil do'n, hindi ako nakapag-concentrate sa pagmamaneho ko, ang resulta... "Bakit 3rd place lang ako?!" Singhal ko.
Napatingin naman ako sa screen ni Clarisse at nakita kong 1st place s'ya. Syet naman oo!
"Easy." Napatingin naman ako kay Clarisse na parang bored na bored s'ya sa nilalaro namin. Nagulat naman ako nang bigla n'ya akong tignan at ngumisi. "1-0"
"Tsamba ka lang! May dalawang round pa." Sabi ko sakanya at nagshrug lang s'ya ng balikat n'ya. Padabog kong hinulog ang token at padabog kong sinampal ang start button..
~*~
"What the?!"
"3-0" Nakatingin pa rin ako sa screen at sabihin 2nd place lang ako. Hindi pwedeng mangyari 'to. Master ko na ang paglalaro ng battle gear tapos sasabihin nilang 2nd place lang ako?!
Habang nakatitig ako sa screen, nagulat ako nang biglang may nag-flash at may tumunog na camera. "You look stupid." Sabi n'ya habang nakatingin sa cellphone n'ya.
"Hoy! Burahin mo 'yan!" Akmang aagawin ko na sakanya ang cellphone sa kamay n'ya nang bigla n'yang tinago iyon sa likod n'ya.
"No!" Sabi n'ya at pinakita n'ya sa'kin ang picture ko na nakatitig sa screen habang nakanganga. "You look stupid in this picture. Pfft. Haha!"
Sa sinabi n'yang 'yon, bigla akong natigilan. Tama ba ang nadidinig ko? T--tumatawa si Clarisse?
Tumingin ako kay Clarisse na busy sa pagtawa n'ya. Parang kanina lang nung dalhin ko s'ya sa sinehan hindi man lang s'ya tumatawa. Sinadya ko talagang comedy ang panoorin namin para marinig s'yang tumawa pero nabigo ako. Hindi ko akalain na sa isang picture ko lang pala ang makakapagpatawa sakanya.
Ang pagtawa n'ya, hindi nakakasawang pakinggan. Para bang isang awiting kay gandang pakinggan. Sulit na sulit pala talaga ang pagyaya ko sakanya dito. Ang pagkatalo ko sa battle gear ay hindi ko dinamdam, sa halip ay natuwa pa ako. Nang dahil do'n, napatawa ko si Clarisse Baek na kilala bilang pagiging cold at mataray na babae.
Isang karangalan iyon para sa'kin.
"Mas lalo kang gumanda kapag tumatawa ka." Nakangiting sabi ko sakanya. Bigla naman s'yang natigilan. Inilagay n'ya ang cellphone n'ya sa loob ng shoulder bag n'ya at tumayo.
"Tara. Tapusin na natin ang challenge na 'to." Sabi n'ya at nauna nang pumunta sa susunod naming lalaruin. Nakangiti naman akong sumunod sakanya.
~*~
"Meron tayong 3 rounds dito. Paramihan lang tayo na mapapatay na zombies." Walang emosyong sabi n'ya at bumunot na ng baril. Naghulog ako ng dalawang token at tska ko kinuha ang baril ko.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend [COMPLETED]
HumorHighest Rank: #21 in Humor My Assassin Girlfriend (BOOK 1:) Samahan si Vince Lee Reyes at Clarisse Baek sa magulo nilang love story...