Chapter 7

3.2K 92 22
                                    

Hi ka-assassiiiin!! Na-miss ko kayo! Hahaha. Tagal kong hindi nag-UD dahil busy-busy'han ang author nito. :D

Kung may mabasa man kayong hindi kaaya-aya, pasensya na XD

Enjoy reading! :D

Chapter 7

Vince' POV

"Structural adaption involves changes in the morphology of the organism. The presence of blah blah blah..."

"Bakit wala pa si Clarisse?" Bulong ko sa sarili ko. Nag-uumpisa na ang klase pero hindi pa s'ya dumarating. Gusto ko lang sana s'yang tanungin kung bakit n'ya ako iniwan nung sabado mag-isa sa world of fun. Hayy.

Pangit ba talaga boses ko? Sabi naman ni auntie pang asia's got talent naman ang boses ko.

"Vince..." tawag ni Aira. Kanina pa n'ya ako tinatawag pero hindi ko s'ya pinapansin. Galit nga ako sakanya 'diba? Dahil sa nangyari sa cafeteria last time?

"Uy, Vince." Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko na sigurong patawarin si Aira dahil kahit papaano eh naging kaibigan ko s'ya at malapit din naman s'ya sa'kin. Susubukan ko na lang kalimutan ang nangyari.

Makalokohan lang talaga si Aira kaya n'ya nagawa 'yon. Pero sana hindi na n'ya ulitin.

"Vince... pansinin mo na naman ako." Bulong n'ya na naman sa'kin kaya humarap na ako sakanya.

"Oh?" Sinubukan kong gayahin ang laging ekspresyon ni Clarisse. Cold. Wala lang, gusto ko lang subukan.

"Sorry na sa nangyari lang friday. Ikaw rin naman kasi ang may kasalanan--"

"Kay Clarisse ka mag-sorry." Cold na sabi ko. Sarap palang gayahin ni Clarisse?

"What?"

"Kay Clarisse ka mag-sorry. Alam ko naman na si Clarisse talaga ang biktima mo pero pasalamat ka na lang at hindi s'ya napahiya sa cafeteria."

"No way!" Sigaw n'ya kaya napatigil si prof. sa pagdaldal at napunta sakanya ang atensyon ng lahat."

"Ms. Thompson. Go to the detention room. Now!"

"But--"

"Now!" She just tch-ed at padabog na tumayo at lumabas ng room.

~*~

"Oh? Asan si Aira?" Bungad agad sa'kin ni Yul pagpunta ko sa table namin sa cafeteria.

"Detention." Simpleng sagot ko at umupo ako sa upuan ko.

"Eh si Clarisse baby?" Tanong naman ni Aldrin. Kumuha ako ng bottled water at agad ko 'yon binato kay Aldrin.

"Wengya! Baka magasgasan ang gwapo kong mukha!"

"'Wag mo ngang tawaging baby si Clarisse!"

"Sus. Lumalab-layp ka lang eh!" sabi ni Patrick.

"Psh. Lumalablayp-lablayp? Iniwan nga ako nun sa mall nung sabado." Walang emosyong sabi ko.

"Nag-date kayo?" gulat na tanong ni Patrick.

"Hindi." Sabi ko sakanya at agad kong inagaw sakanya ang mango shake na kanina pa n'ya iniinom. Narinig ko ang mumunting mura n'ya pero agad din naman s'yang tumayo para bumili ng bago.

Ayokong ikwento sa kanila 'yung nangyari nung sabado. Sigurado na naman akong pagtatawanan nila ako.

"Uy, wait. May chika ako sainyo." Napunta naman ang atensyon namin kay Geraldine nang bigla s'yang magsalita.

"Hoy! Ano 'yan?" Tanong naman ni Patrick na kababalik lang.

"Alam n'yo bang may namatay daw malapit sa bahay ni Vince?" Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Geraldine. Sumenyas na lang kami na ituloy ang kwento.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon