EPILOGUE

4.3K 104 3
                                    

EPILOGUE

Nakaupo ako sa isang upuan. Nandito ako ngayon sa venue na sinasabi ni Vince na pagkikitaan namin.

Hanggang ngayon wala pa siya pero halata namang pinaghandaan niya 'tong gabi na 'to dahil sa mga bulaklak at balloons na nakapalibot.

Mayamaya pa, nagulat na lang ako nang may malamit na bagay siyang isinabit sa leeg ko at pagkakita ko, ang pendant ko na nawawala.

"Ang pendant ko!" masayang sigaw ko nang makita ko 'tong muli.

Bigay sa 'kin 'to ni Daddy nung maliit pa lang ako kaya halos barilin ko ang sarili ko nang hindi ko 'to makita.

"Saan mo 'to nakita?!" tanong ko.

"Sa Eskinita matapos mong pumatay ng tao," natatawang sabi niya.

Hindi ko alam ang sinasabi niya dahil marami na rin akong napatay pero ang mahalaga ngayon ay nabalik na sa akin ang pendant ko.

May daladala siyang bouquet at aaminin kong hindi ako mahilig sa bulaklak pero tinanggap ko na rin dahil siya ang nagbigay nun.

Umupo siya sa harapan ko at nakita ko ang ngiti niya. Yung ngiti na dati gustong gusto kong sampalin pero ngayon natutuwa ako dahil ang cute niya kapag ngumingiti.

"Anla ka Shina! Ngumiti ka!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Vince. "Ang ganda mo talaga kapag ngumingiti," sabi niya sabay kamot ng ulo.

Tinawanan ko na lang siya dahil oo nga pala, hindi ako ngumingiti o tumatawa man lang simula nang mawala si mommy at daddy.

Pero ngayon na tapos na ang lahat, gumaan naang pakiramdam ko.

Masaya lang kaming kumakain at nagtatawanan at iba na ang pakiramdam ko ngayon dahil ang dati na punung-puno ako ng galit..ngayon, punung puno na ng pagmamahal.

Dahil sa kanya.

Nagulat ako dahil may binigay siya sa akin isang notebook na kasing liit lang ng monopoly cards tapos puro sulat.

"I love you."

"Damn I want you to hug me right now."

"I miss you"

"You are the meaning of my life, Cla-- I mean, Shina."

Natatawa na lamang ako sa mga pinagsasasabi niya dito at alam ko namang nakatitig siya sa 'kin at nakangiti.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kanya.

Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon na magkasama kaming dalawa. Walang kahit sino ang gustong sumira sa relasyon namin dahil kung hindi, papatayin ko sila.

Naging maayos na rin ang lahat. Kung minsan may hindi kami pagkakaintindihan pero sabi nila normal lang daw 'to. Wala akong kaalam-alam sa ganitong relasyon dahil ngayon lang ako napasok dito.

Pero kahit sa hindi pagkakaunawaang 'yon, hindi pa rin naman binitiwan ang isa't isa.

Si Aldrin at Geraldine may anak na silang dalawa at ikakasal pa lang sila sa susunod na taon.

Si Matteo Yul at Thompson, wala pa rin. Masyado kasing malandi si Thompson at hindi niya napapansin si Matteo Yul kahit na lagi naman silang dalawa ang magkasama. Nakakatawa nga lang dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin alam na may gusto sa kanya si Matteo Yul.

Si Melissa at si Jax naman, hindi pa rin nila binibitawan ang pagiging assassin hanggang ngayon.

At ako? Masaya ngayon kasama ang future husband ko.

Lumipas na rin ang anim na taon at ito ako ngayon, suot ang wedding gown habang si Vince naman nag-iintay sa altar.

Sobrang saya naming dalawa at ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya.

Makalipas ang isang taon, nabiyayaan kami ng isang anak na lalake. Natutulog ngayon si baby Basty at sumilip ako sa kwarto naming dalawa at nakita ko siyang naglalaro na naman ng assassin's creed.

"Laro ka ng laro maling tulungan mo akong maglinis ng bahay dito!" bulyaw ko sa kanya.

"Wait lang! Matatapos na ko!" sigaw nito pabalik. Napairap na lamang ako at tinabihan siya.

"Di ka na bata naglalaro ka pa rin niyan," sabi ko sa kanya.

"E! Ikaw kasi e! Binitawan mo pagiging assassin mo!" pagkasabi niya nun, sinampal ko na lang siya bigla.

"Tumahimik ka nga, Vince! Kapag hindi ko binitawan 'yon baka hanggang ngayon tinitira pa rin tayo at madamay pa anak natin!" sigaw ko sa kanya at pumunta ako kay Basty.

Parang bata talaga yung lalakeng 'yun, sana hindi maging ganun si Basty!

Hanggang ngayon nangangarap pa rin siyang maging assassin.

Naglalaro lang kaming dalawa ni Basty nang biglang sumulpot si Vince sa harapan ko at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Sorry," sabi nito at agad ko naman siyang pinatawad. Sanay na rin naman ako sa lalakeng 'to.

Naglalaro lang kaming tatlo ni Basty at ramdam ko ang saya na nadudulot saakin ng mag-ama ko.

Kahit na nagagalit sa akin si Vince dahil binitawan ko 'yon, masaya naman ako ngayon dahil nakikita kong masaya ang mag-ama ko..


-THE END-

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon