Chapter 5

3.7K 112 25
                                    

Chapter 5


Vince' POV

"Aray ko auntie! Aray!!"

"Masasaktan ka talagang bata ka! Jusko! Aatakihin ako sa puso nang dahil sa'yo!"

"Sorry na auntie! Hindi na po mauu— Aray!!"

"Talagang hindi na mauulit 'yan! Nakuu ikaw talagang bata ka! Wala kang pinagmanahan!"

"Aray ko auntie! Tama na pooo!"

"Sa susunod na maka-zero ka at papuntahin pa ako sa university mo, titigil ka na sa pag-aaral mo! INTINDI?!"

"O-opo!" Sabi ko at tska binitawan na ni auntie ang tainga ko at lumabas na s'ya ng kwarto ko.

Tsk! 'Yan na nga ba sinasabi ko kapag nalaman ni auntie na papapuntahin s'ya sa university eh! Talagang pipingut-pingutin ka ni auntie. Hoy! Hindi simpleng pingot lang 'yun ah! Sobrang sakit kaya!

FLASHBACK

Pagkatapos ng klase, dumiretso agad ako sa bahay. Nakalimutan ko pala 'yung result ko sa quiz! Syet naman! Kinakabahan ako!

"Buti na lang wala dito si auntie." Bulong ko sa sarili ko.

Para akong ninjang dahan-dahan umaakyat papunta sa kwarto ko. SUCCESS!

Kaya lang, pagpasok ko sa kwarto ko— "Oh Vince! Nand'yan ka na pala" S-si auntie! Nakita ko s'yang naglilinis sa loob ng kwarto ko. Akala ko pa naman makakatakas na ako kay auntie! Hayy.

"Kamusta ang results?" 'Eto na! Inhale... exhale... Hindi na naman bago sa'kin na mapagalitan ni auntie. Pero s'yempre kinakabahan pa rin ako. Kalma, Vince!

"Ammmm. Auntie. P-pinapatawag po kayo ng p-prof." Nakatungong sabi ko.

"Bakit? Naka-perfect ka?" Masayang tanong ni auntie. Sana. Pero hindi. Tangina!

"N-naka zero po ako..." Lalo kong itinungo ang ulo ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Ahhh~ Zero?" Isang tango na lang ang isinagot ko habang parang tangang nakatayo habang nakatungo.

Nagulat ako nang i-lock ni auntie ang pinto ng kwarto ko at kumuha ng walis tambo.

"A-auntie..."

"Zero pala huh?"

"Waaaah! *doom* auntie masakit! *doom* Aray ko auntie! Ayoko na!"

"Walanghiya kang bata ka! Hindi ka na nahiya! Napakamahal ng tuition fee mo sa university mo, *doom* Halos dugo't-pawis ang binuwis ko sa pag-aaral mo tapos zero ang ibibigay mo sa'kin?! *doom*"

"Waaah! Auntie! Sorry na! *doom*"

"Lumapit ka ditong bata ka!"

"A-auntie..."

"Lapit!" Kahit labag sa kalooban ko. Lumapit pa rin ako kay auntie at doon na nagsimula ang pimimingot n'ya.

END OF FLASHBACK

Umupo ako sa kama ko habang hinihimas-himas ang tainga ko at ang pwetan ko.

Hayy. Grabe naman oo! Para akong isang elementary student na under sa magulang.

Dahil friday naman ngayon at wala kaming pasok bukas... mabuti pang maglaro na lang ako ng Assassins Creed.

~*~

*Yawn* 12 am na pala? Ang haba naman ng paglalaro ko.

Alam n'yo 'yung pakiramdam na naghikab ka pero hindi ka naman inaantok? Gano'n ang nararamdaman ko ngayon.

My Assassin Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon