Chapter 8
Vince' POV
"Alam mo ba na may pumatay daw sa may-ari ng Benenzada Mall?" Kwento ko kay Clarisse. Makalipas ang dalawang araw, ngayon na lang ulit s'ya nakapasok. Sabi n'ya may sakit daw s'ya eh.
Napatigil sa paglalakad si Clarisse habang hawak n'ya ang cookies 'n cream n'yang ice cream. Naglalakad kaming dalawa sa field papuntang classroom. Tumingin s'ya sa'kin ng seryoso kaya tinuloy ko ang kwento ko.
"Tapos, alam mo ba na babae ang pumatay do'n? Grabe! Ang astig!" Masayang sabi ko habang tinataas ang dalawang kamay ko sa ere.
"Astig?" Kunot-noong tanong n'ya.
"Oo!" Naalala ko na naman tuloy 'yung napanood kong "Colombiana." Napaka-astig ng babae! Kahit bata pa lang marunong nang makipaglaban. Eh ako? Pangarap ko ngang maging assassin pero wala namang nangyayari.
"Hindi ka ba natatakot?" Tanong n'ya habang dinidilaan ang ice cream n'ya.
"Hindi. Astig nga eh."
"Baliw." Sabi n'ya at saka s'ya naglakad paalis. Pilit ko s'yang hinahabol kaso hindi ko na nagawa. Ang laki kasing humakbang eh!
~*~
Cafeteria...
"Hi Clarisse!" bati ni Aldrin.
"Yow."bati naman ni Patrick
"Hi." bati ni Geraldine. Sabay-sabay na bati nila kay Clarisse pero ako hindi man lang nila binati. Kakatampo.
"Waaaaah! Clarisse!" Nagulat kaming lahat nang biglang salubungin ni Aira ng yakap si Clarisse. "Huhuhuhu!"
"Ano bang problema?" Walang ganang tanong ni Clarisse kay Aira. Humiwalay si Aira sa pagkakayakap n'ya kay Clarisse pero hawak pa rin nito ang magkabilang braso nito.
"Can I talk to you? Privately?" Tanong ni Aira. Magsasalita pa lang si Clarisse pero agad na n'ya itong hinatak palabas ng cafeteria.
"Anong nakain nu'n?" Tanong ni Patrick.
"Ewan. Hayaan na lang natin sila." Sabi ko sakanya tska ko inagaw ang chocolate shake n'ya.
Nahagip ng mga mata ko si Yul na nakatingin pa rin s'ya sa pinaglabasan ng dalawa. Medyo nagtatakha lang ako sakanya. Simula kasi nang dumating si Clarisse dito, lagi na lang s'yang nakatingin ng masama kay Clarisse at naging medyo tahimik na rin s'ya.
Dati-rati s'ya ang pinaka-maingay dito pero ngayon nag-iba na s'ya.
Lumingon s'ya sa'kin at nasalubong ko ang cold na mga mata n'ya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"May gagawin ang ako sandali." Sabi ni Yul at lumabas na s'ya ng cafeteria.
"Alam n'yo bang nakakapanibago na si Yul." Puna ni Geraldine. Miski pala s'ya napapansin na ang medyo pagbabago ni Yul.
"Pansin ko rin." sabi ni Patrick.
"Wengya! Baka nagpapa-mature na!" Puna naman ni Aldrin. Hindi na lang nila iyon pinansin at tinuon na lang nila ang atensyon sa ibang bagay.
Pero kasi parang may kakaiba kay Yul.
~*~
Clarisse' POV
"S--sorry nga pala sa nagawa ko..." Sabi n'ya habang nakatungo.
Hindi ko alam kung totoo ba ang paghingi n'ya ng sorry pero wala akong pakielam. Wala naman akong mapapala sakanya pero kailangan kong tanggapin ang walang kwenta n'yang sorry para kay Vince--para sa trabaho ko.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend [COMPLETED]
HumorHighest Rank: #21 in Humor My Assassin Girlfriend (BOOK 1:) Samahan si Vince Lee Reyes at Clarisse Baek sa magulo nilang love story...