Chapter 45
"Andrei?! Nasa baba si Patricia! May ipapaturo daw sa 'yo ang batang 'yon!" rinig ko kay mama sa labas kasabay ng pagbukas niya nang pintuan.
Agad kong sinara ang magazine na binabasa ko at tinago iyon sa likod ng unan. I let out a small heavy sigh dahil sana ngayon ay hindi niya ako nahuling binabasa o tinitignan ang magazine na naglalaman sa mga nangyayare sa buhay ng mga Zacarlas.
Nakakunot noo niya akong tinignan dahil sa ayos ko. "Oh, anong nangyare sa 'yo?"
Tumayo ako sabay kuha na nang mga gamit na kakailangan ko para turuan si Patricia. "Wala,"
Lumapit si mama at pinagmasdan ang buong kwarto ko. "Nako, Trivan! Sinasabi ko sa 'yo, hah! Tigil-tigilan mo na 'yang paghanga mo sa mga Zacarlas-"
"Wala naman akong ginawa, ma." putol ko sa mga sinasabi niya.
"Nakita kita na natataranta kanina!"
Lumingon ako sakaniya. "Ma, huwag na natin sila pagawayan."
Galit akong tinignan ni mama at napahawak sa noo niya na parang ang laki ng problema na binigay ko sakaniya. Alam ko naman ang past nila sa mga Zacarlas pero masama bang humanga?
"Sinasabi ko sa 'yo, Andrei. Masama ang mga ugali ng mga 'yan kaya huwag na huwag kang humanga sakanila! Lalo na doon sa anak nila na mukhang kasing edad mo lang! Alam kong napupukaw no'n ang atensyon mo! Parehas kayo ng papa mo! Hindi ko maintindihan kung bakit ba kayo nagkakagusto sa mga babaeng mahirap naman abutin!"
Napamasahe ako sa noo ko. "Ma, wala akong gusto do'n."
"Masama ang ugali no'ng babaeng 'yon! Maarte! Doble kara pagdating sa mga interview! Nako, atsaka mayayaman lang mga nagugustuhan no'n para mabili mga luho niya! Kaya huwag ka ng umasa, anak! Parang awa mo na!" hysterical niyang sigaw.
Lumapit ako sakaniya at pinakalma siya. "Ma, ilang ulit ko ba kailangan sabihin sa inyo na hindi ko magugustuhan 'yong babaeng iyon? Hindi ako katulad ni papa..."
Oo, hindi ako katulad ni papa na iniwan lang at hindi pinaglaban ang mahal niya.
"Mabuti iyon. Magaral ka na lang ng mabuti atsaka marami namang ibang babae dyan, Trivan! Nandyan si Patricia. Kababata mo at kilalang kilala mo na. Mabait iyon at nakikita ko na kayo na ang para sa isa't isa."
"Kapatid lang ang turing ko sakaniya-"
Tumawa siya ng mahina. "Dyan din napupunta 'yan!" Umiling ako. Inayos ni mama ang buhok ko bago tapikin ang balikat ko. "Bumaba ka na at naghihintay na si Patricia sa 'yo."
Bumaba rin siya pagkatapos iyon sabihin. Bumalik ako sa kama at kinuha ang magazine na tinago ko at pinagmasdan pa muna ang mukha ng mga Zacarlas. Bumaba ang mata ko sa anak nilang babae. Umiling ako bago tumayo at buksan ang cabinet at tinago iyon sa loob.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Patricia na pinaghahandaan ni mama ng meryenda. Nang makita niya ako ay lumaki ang ngiti niya bago lumapit sa 'kin para yumakap. Nginitian ko rin siya bago alisin ang kamay niya para makapagsimula na kami sa pag-review.
Totoo ang sinabi ko kay mama na kapatid lang ang turing ko kay Patricia. Wala akong ibang rason para magustuhan siya. Gusto ko siya bilang kapatid at nakababatang kaibigan pero alam ko sa sarili ko na hanggang doon lang iyon. Ayaw kong humantong kami roon dahil gusto kong manatili lang kami bilang isang magkaibigan.
YOU ARE READING
𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗴𝗿𝗶𝗲𝘃𝗼𝘂𝘀 𝗩𝗲𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝗰𝗲 (ALLURING SERIES #4)
Любовные романыALLURING SERIES #4 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Trivan, one of the scholars of Zacarlas family, a very rich family. Because of his family poverty, he was forced to accept it so that he could finish his chos...
