Chapter 42
"Wala pong ibang lalake ang babagay sa inyo kung hindi si Kuya Carlos lang!"
She scream that made everyone silent.
"Ah... haha," awkward akong tumawa at tumingin sa mga nakarinig nung sinabi niya.
She continue hugging me. I glance at Patricia and she's looking at us with a smile on her lips. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi doon. Nilipat ko ang tingin kay Trivan. Kung kanina ay naiirita lang siya ay ngayon mukhang galit na. I don't know if it's because of his sister or dahil narinig na naman niya ang pangalan ni Carlos.
"Ang ganda niyo po pala talaga sa personal! Sa T.V lang po kasi kita nakikita! Hindi po ako nakaabot dati dahil matagal po kaming dinismiss nung prof namin kaya mabuti na lang nakaabot ako ngayon! Huhu! Ang ganda niyo po!" umiiyak niyang sabi nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin. "Oh my god! Nayakap po kita, huhu! Maiinggit na po sa 'kin ang iba kasi puro picture at sign lang sila tapos ako nayakap kita! Hindi na po yata ako magpapalit nang damit dahil dito!"
I let out a small laugh. "So, you're a big fan of mine, huh?"
She nodded. "Opo! Sobra! Dati pa lang nung nagsisimula pa lang kayo ni Kuya Carlos! Ang ganda at gwapo niyo pong dalawa! Bagay na bagay po kayong dalawa, ate! Kayo na po ba? Sabi po kasi nung nanay niyo sa isang interview niya na matagal na kayong dalawa! Kayo na po ba? Matagal na?!"
My eyes widened and my jaw drop. Alam niya rin iyon?! My mom is really giving me so much headache! She really can lie infront of everyone!
Tumingin ako kay Trivan na nakaiwas nang tingin sa 'min. I suddenly felt bad. Baka isipin niya mamaya na may relasyon kami ni Carlos!
"No. Hindi kailanman naging kami." sagot ko sa kapatid niya. Trivan glance at me and I gave him a small smile bago lumingon ulit sa kapatid niya. "I like someone else."
"P-Po? Sino po? Artista po ba? Pero, bakit ayaw niyo kay Kuya Carlos?! Gwapo naman po siya, e!" naguguluhan niyang tanong.
"Hindi naman dahil gwapo siya ay magugustuhan ko na siya agad, 'di ba?" sabi ko kaya hindi siya nakasagot. "I want someone who is respectful, hardworking, family oriented, at yung ipaglalaban ka hanggang sa huli."
While I was saying that bumabalik lahat ng ala-ala naming dalawa ni Trivan. He's respectful, he's always taking care of me back then kahit ngayon, tinuring niya akong reyna niya. He's hardworking, at his young age ay marami na siyang responsibilities pero kinaya niya iyon dahil ayaw niyang umasa sa iba. He's also family oriented, alam ko dahil nakita ko kung paano niya alagaan ang pamilya niya.
She pouted. "Then, sino naman po yung tinutukoy niyo?"
"Your..."
Her brows furrowed. "Your? Ano po, ate?"
"I mean... malalaman mo rin." I gave her a small smile.
Shit, malapit na akong madulas doon!
I wanted to say na ang tinutukoy ko ay ang kuya niya but I think it's not the right time pa. I still have so many problems to fix kaya sa susunod na lang, yung maayos na ang lahat.
"Ah... okay po, ate! Maghihintay ako hanggang sa malalaman ko kung sino pa yung tinutukoy niyo!" masaya niyang sabi. "Pero, pwede po ba magpa-autograph!"
"Ahm... kain na muna tayo?" aya ko rin sakaniya dahil kakain din kami ng kuya niya.
Her eyes widened. "Tayo lang po?"
YOU ARE READING
𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗴𝗿𝗶𝗲𝘃𝗼𝘂𝘀 𝗩𝗲𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝗰𝗲 (ALLURING SERIES #4)
RomanceALLURING SERIES #4 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Trivan, one of the scholars of Zacarlas family, a very rich family. Because of his family poverty, he was forced to accept it so that he could finish his chos...